Nasa second floor siya ng company nila sa kung saan nandoon ang mga artifact na nahukay sa ibat ibang bahagi ng bansa.Nagmamasid masid sya at pinag-aaralan ang mga iyon, habang hininintay niya ang kanyang mga ka-team, ng mapasin niya sa ‘dikalayuan sa pwesto niya ang mga grupo na naguusap-usap.
Nakuha ng isang lalaki sa grupo ang atensyon niya, hindi niya alam kung bakit pero parang may kakaiba dito at hindi niya maalis ang tingin sa lalaki.
At hindi niya na pasin ang babaeng papalapit sa kanya.
“well... well.. well, mukhang namaligno ka na naman Miles, lagi na lang kitang na aabutang nakatulala” anito sabay wasiwas ng kamay nito sa harap ng kanyang mukha
Tinginan lang niya ito sabay irap, at muli niyang tiningnan ang lalaki na naantala dahil sa pagdating ng babaeng ito
“Aba at uma-attitude ka ng babae ka.” Sabay lapit nito sa sa kanyang likod at sinundan kung saan siya nakatingin
“Ay! Kaloka.. kaya naman pala parangna maligno ang lola mo, ay may ispiritong gwapo pala ang pagala-gala sa floor na ito ay!” wika nito na may pa-baklang tono, habang nagsasalita at humarap sa kanya ng naka cross pa ang kamay saka siya inakbayan
“Tse.. tigilan mo ako Asuncion.” Sabi ko dito sabay kawala sa pagkaka-akbay nito
Bigla naman siyang hampas nito sa balikat nya kung kaya’t napasigaw siya sa sakit, parang bakal ang kamay nito kung manghampas, napayuko pa siya sa lakas, dahilan nang pagtingin ng mga tao sa loob sa kanila, pati na ang lalaki na kanina pa niya tinitingnan, ay napatingin sa kanilang dalawa ng masama
“I told you not call me by that name, Miles”. sabay irap sa kanya, ito ang kaibigan nya na sobrang hate ang pangalan, siya din ang madalas na tumawag sa kanya ng Miles, hanggang nakasanayan na lang niya at ng mga tao sa paligid nila mas sosyal daw kasi itong pakinggan kesa sa Milagros, sobrang baduy daw nito.
“Cut the cr*p already, Ms. Asuncion Salsale”. Sabi ng papalapit sa kanila na si Ms. Janet ang kanilang Team Leader, maganda ang kanila TL nasa thirties na ito pero ang itsura nito ay parang nasa twenty pa din ang edad, bagay na bagay dito ang suot nitong fitted rift jeans, white 3/4 sleeve button down shirt na naka tuck-in sa harap, at hinayaang nalaylay ang bandang likod at naka suot din ito ng white combination of black sneakers, habang ang buhok naman nito ay naka ponny tail, nag mukha itong mas bata tingnan
“Gosh! Ms. Janet please don’t call me by that name, just call me Shun, Okay!” Sabi nito na nakatakip ang kanyang kamay sa tenga
“Why should I? That is your name and that’s how i supposed to call you, right Miles?” aniya sabay lingon sa akin ng nakangiti
“Yeah, you’re right Ms. Janet” sabi ko na sinabayan ang pangaasar nito
“Gosh!! You are so mean.. Grrr” anito na binaba ang kamay ng may pagtirik pa ang mata sabay padyak ng paa
Natawa na lamang kame ni Ms. Janet sa reaction nito
“hindi ko maintindihan bakit napunta sa team natin ang mga may pangit at baduy ang pangalan, ikaw Milagros Escoban, ako Asuncion Salsale, parang ano,, you know!! At isa pa itong paparating, Cellia Munti, gosh! bagay sa hieght niyang munti”.
Pagmamaktol nito, natawa na lang kame sakanya
“bakit anong problema sa pangalan natin, pasalamat ka may pangalan ka e”. sabi ko ng may pagkasarkastik na tono
“OMG! Gandang-ganda ka sa pangalan mong Milagros Escoban, Parang eskoba sa inodoro”. Irap nito sa kanya
“hey! FYI I love my name! Excuse me” sabay irap dito
“Hey! What’s the matter with you guys” ani Cel habang humihingal dahil patakbo itong lumapit sa kanila
“ewan ko ba kung ano ang nangyayari sa mga magulang natin at binigyan tayo ng pagka bantot-bantot na pangalan”. Sabay simangot nito
“Tama na nga yang kakareklamo mo Shun” ani Ms. Janet
‘nasaan na ba yung dalawang lalaki na yon, sila ang lalaki pero sila pa talaga ang late” dagdag na sabi ni TL
“Speaking of the devil” ani Shun habang nakatingin sa dalawang lalaki na mabilis na lumalapit sa kinaroroonan nila
“ano ba iyan Andrei, Vince kayo itong lalaki pero kayo pa ang nahuli”. Sermon nito sa dalawa na kakarating lang
“Sorry Ms. Janet, sobrang traffic kasi at ang hirap humanap ng parking”. Ani Andrei habang kumakamot sa likod ng ulo
Sa mga oras na iyon muli akong tumingin sa mistersyosong lalaki kanina, ngunit wala na ito sa pwesto nito kung saan ito nakatayo kanina tanging naiwan ay ang kausap na lamang nito
Hayst!!
“Hey! Babe, mukhang ang lalim nag iniisp natin ah!” ani Andrei sabay patong ng mga kamay nito sa kanyang balikat
Siniko ko naman ito sa tagiliran at tinulak palayo, palabiro ito at matagal na niyang nararamdaman na may gusto ito sa kanya, idinadaan lang nito sabiro na sinasabayan naman nya dahil hindi nya alam kung ano ang sasabihin dito kung sakaling magtapat ito sa kanya, pero lagi nyang pinaparamdam dito na kaibigan lang sila
“E pano naman iyang kaibigan natin mukhang namaligno.” Birong sabi ni shun
“What! May gumagala na bang multo dito?” pabirong tanong ni Vince
“hahaha Sira talaga ang ulo mo noh Vince” ani Cel sabay batok kay Vince
“Nope, not that kind of ghost.. Hehe”
“And what kind of ghost is this, aber?” Curious na tanong ni Ms. Janet at nakataas pa ang isa nitong kilay
“e ano pa ba, edi gwapong multo na makalaglag panty, nandoon ..”. putol nitong sabi sabay turo sa kinaroroon kanina ng lalaki
“oops wala na.. hahaha.. kaya naman pala nalungkot ka na e” pang aasar na dagdag ni Shun
“Baka naghanap na ng ibang Panty.. hehe” ani Vince dagdag nito sa pangaasar ni Shun, siniko naman ito ni Andrei
“Tse!! Manahimik ka nga Asuncion, mamaya mo maniwala sila sayo”. Sabi ko na may diin sa pagbigkas pangalan nito
Napa simangot naman ito, at ikinatawa ng lahat