Maagang gumising si Lance dahil pupuntahan niya si Miles, pagbaba niya ng hagdan ay nakasalubong niya ang kanyang ina “Oh, anak saan ang punta mo ang aga pa ah?” Tanong nito “May importante lang akong pupuntahan, Ma” ayaw pa niya ipaalam sa mga ito ang nalalaman dahil baka mas maging excited pa ang mga ito sa kanya Pagliko niya sa kanto papunta sa bahay ng dalaga ay nakita niya itong papasok sa isang antique shop, base sa report sa kanya ay muling naipatayo ng kanya lolo ito sa tulong ng Ama nitong nasa abroad noon Kaya bumusina siya para makuha ang atensyon nito, at lumingon nga ang dalaga ng marinig ang pagbusina niya Makikita pa sa mukha nito ang pagtataka ng makita siyang bumaba ng sasakyan, siya naman ay nginitian ito “Miles, good morning” naka ngiting ba

