Sa pag tulak niya sa dalaga ay hindi niya inaasahan na matatapilok ito “Ahhh” sigaw nito Buti na lang ay naagapan niya ito bago tuluyang bumagsak, nahawakan niya ito sa siko, pero mukhang nasaktan pa rin ito “Sorry hindi ko sinasadya” saka niya ito inalalayan makaupo sa baitang ng hagdan “ayos lang” saka hinilot ang paa “ako na, masakit ba?” tanong niya ng mapangiwi ito “Naipitan ata ng ugat” nakangiwing sagot nito “Tara muna sa loob para doon ka makaupo ng maayos” saka niya ito inalalayan papasok sa loob Hindi naman ganoon kalakas ang pagtulak ni Lance sa kanya pero natapilok pa din siya, saka nagagalaw pa naman niya ang kanyang paa, medyo masakit lang iyon dahil sa pagtakbo niya kanina dahil nag mamadali na sila ni Andrie, si

