“GOODBYE, b***h,” MALAMBING na sabi ni Tamarah. Bago bumaba ng sasakyan ang dalaga, hinalikan pa niya sa noo ang kaibigang si Lorna. Muli siyang nagpaalam dito sa pamamagitan ng pagkaway. Napatigil lang siya nang pinakitaan siya nito ng gitnang daliri habang nakalabas ang dila nito. “f**k you, b***h!” sigaw niya. Napatawa lang ang kaibigan niya sa kanyang reaksiyon. Natutuwa talaga itong asarin siya. Bagaman pareho naman silang ganoon sa isa’t isa kaya sanay na sila. Nang mawala na sa tingin niya ang sasakyan ng kanyang kaibigan, pumasok na siya sa loob ng kanilang bahay. Nilingon niya ang guard na nagbukas sa kanya at agad na pinasalamatan. Kahit lumaking may kaya sila sa buhay, maipagmamalaki niya na lumaki silang magkakapatid na maging mabuti sa mga kasama nila sa bahay. Ito ang t

