NASA DALAMPASIGAN SI Lorna at masayang sinalubong ang pagsikat ng araw. Nagsitayuan ang mga balahibo niya habang kinukunan ng video ang sarili. Namamangha lang siya sa kanyang nakikita. Masasabi niya na ibang-iba talaga ang ganda ng probinsiya sa siyudad. Iyong pakiramdam na makalilimutan ang problema sa labis na ganda ng nakikita ng mga mata. “Good morning, everyone! Have a blast!” sabi niya. Pinatay na niya ang video at agad na nag-selfie. Ilang segundo ang lumipas, inilagay na niya ang video at larawan sa kanyang Instaglow account para sa kanyang mga tagasubaybay. Tinatawag siyang “Nepo baby” ng karamihan sapagkat sumikat lang siya sa social media dahil anak siya ng isang sikat na artista. Aminado siyang interesado ang mga tao sa kanya dahil anak nga siya ng nag-iisang Cassandra Ve

