KABANATA 13

1549 Words

WALANG TIGIL SA katatawa sa loob ng banyo si Lorna nang makita ang video ni Arguz. Natutuwa lang siya rito. Nakikita niya sa mukha nito na napipilitan ito pero ginawa pa rin nito iyon para lang sa kanya. Bilang isang babae, abot langit ang kilig na kanyang nadarama. Aminado siya na iniiwasan niya ang ginoo nang ilang araw. Nasaktan lang talaga siya nang harap-harapan na sinabi nito ang totoo tungkol sa nararamdaman nito. Subalit napagtanto niya na wala siyang karapatan masaktan dito. Kailanman ay hindi nito sinabi sa kanya na mahal siya nito. Siya lang iyong umasa dahil sa pinapakita nito sa kanya. Kasalanan niya ang lahat. At dahil gising na siya sa katotohanan na siya lang ang gumagawa ng sarili niyang multo, mas pinili niyang magpakumbaba. Hindi niya na rin kaya na hindi pa pansinin

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD