Chapter 1. Aizel
Papunta kami Ngayon ni aizel sa 2nd subject namin at kanina ko pa napapansin ang pagiging matamlay niya. Kanina pang 1st subject siya ganiyan.
Hindi ako naka tiis kaya tinanong ko na Siya.
"Huy, bakit matamlay ka? Kanina ko pa napapansin.. okay ka lang ba?" Tanong ko sakaniya at hinawakan ang noo Niya.
Hindi Naman Siya nilalagnat?
" Gutom ka ba?" Patuloy na tanong ko sakaniya.
She sighed at tumingin sa akin. Binigyan Niya ako ng malungkot na ngiti.
" I will tell you pag dating natin sa room." Sabi Niya. Tumango tango Naman ako ng mabagal habang nakatingin parin sakaniya.
Pag dating Namin sa room ay Wala pa Yung prof. Umupo na kami sa pwesto Namin ay agad ko Siya tinignan Ng seryoso.
Tinignan Naman Niya ako at alam Niya na ang ibig Sabihin Ng mga tingin ko.
She sighed again bago Ng kwento.
" Si Gavin Kase eh, Napansin ko na lumalamig Yung pakikitungo Niya sa akin." She said at napansin ko na naiiyak na Siya.
Napakunot Naman noo ko sa sinabi Niya. Teka akala ko ba nag bago na Yung gag*ng yun?
" Teka akala ko ba nag bago na yun? " Tanong ko Kay ai habang naka kunot Ang noo.
" Hindi Naman siguro Siya bumalik sa Dati na namba-babae. Baka may problema lang Siya " sabi Niya Ng mahina at yumuko.
I sighed really hard. Nung una pa talaga ay ayaw ko na si Gavin. Lumalayo rin ako sakaniya dahil halos jowain niya na Lahat ng mga babae sa section Namin. Hindi ko alam kung bakit halos Ng naging Jowa Niya ay mga kaklase ko o hindi kaya ay yung sa kabilang section. Kaya lumayo layo ako sakaniya dahil baka ako pa mapag tripan Niya. Buti nalang dalawa Yung pinto sa bawat room para kung nag hihintay man Siya sa Isang pinto, lalabas ako sa kabila.
Sa Lahat nga Ng playboy Siya lang talaga Yung ma effort na nag hihintay sa labas Ng girlfriend Niya kuno tapos b-break Niya Rin after 1 to 2 weeks -_-
Lahat ng naging girlfriend niya ay kadalasan tumatagal ng isa o dalawang linggo kaya nung halos mag 1 buwan na sila aizel at Siya, Marami na ang nag taka at nakaisip na baka nag bago na talaga Siya. Na nag Mahal na talaga Siya Ng totoo.
Ng naging sila ni aizel ay talagang hindi ako sang ayon. Dahil nga sa playboy Siya at alam ko masasaktan lang ang kaibigan ko. Pero Ng makita ko kung gaano kasaya si aizel ay wala na lang ako sinabi. Well nandito lang Naman ako kung masaktan man Siya.
Pero dahil nga sa Iwas ako sakanya at sa mga kaibigan Niya na sina Ace dela cruz at Christian tan, umuwi muna ako sa bahay namin pansamantala. Sa dorm Kase talaga ako nag s-stay kasama si aizel dahil Wala Kase mga parents ko. Nag t-trabaho sila sa labas Ng bansa. Hindi Naman kami mayaman na sobra, Doctor tatay ko tapos nurse Naman nanay ko at pareho silang nasa america Ngayon.
Hinawakan ko Naman ang kamay ni ai kaya napatingin Siya sa akin.
" Uwi na ako sa dorm, movie marathon Tayo mamaya? " Tanong ko sakaniya habang nakangiti.
Well yun Kase Ang papasaya Kay Aizel. Gusto Niya Yung bonding tapos kwentuhan ganun. Actually medyo nag sisisi ako na umuwi ako sa bahay at hindi nag stay sa dorm Ng dahil lang sa gusto ko lumayo sa mga yun. Tignan mo Ngayon tuloy ni hindi ko man nalaman agad kung ano nangyayare Kay ai or ano nararamdaman Niya. Sensitive na tao kase si aizel kaya pag sinaktan mo Siya, talagang masakit para Sakaniya yun. That's why hindi ako sangayon talaga sa relasyon nila pero Wala Naman ako magagawa.
Ang tumatak nalang sa isip ko ay pag nangyare na nga ang iniisip ko, I will be with her and make her happy. Parang kapatid ko na talaga si aizel dahil narin siguro sa only child ako at sa pinag samahan Namin.
Ng sinabi ko sakaniya na uuwi na ako sa dorm ay nag liwanag na ang mukha Niya.
Hinawakan Niya Ang dalawang balikat ko at yinugyog ako Ng bahagya.
"Talaga?! Uuwi ka na sa dorm? You mean, doon ka na uli mag s-stay? " Tannong Niya habang naka ngiti Ng malaki sa akin.
"Ahuh" sabi ko Sakaniya at ngumiti.
Niyakap Niya Naman ako ng mahigpit at tumili Siya Ng mahina.
"Ih!! You're the best talaga ell! Alam mo kung ano mag papasaya sa akin " she said.
I just smiled at her and ginulo ang buhok Niya.
" Yup! kaya wag ka na matamlay diyan okay? Wag ka masyado mag overthink diyan. Mag s-start na ang klase natin at baka may quiz Tayo Dito " sabi ko sakaniya.
Dahil sa sinabi ko ay bumusangot Siya.
" Quiz? Tsk hilig lagi mag pa quiz Ng prof sa subject na ito. Akala mo Naman lagi hinahabol ng deadline. " She said.
Natawa Naman ako ng mahina sa sinabi Niya at umiling iling. Hay at least bumalik na Siya sa Dati na masigla. Actually sobrang hyper talaga ni Aizel kaya malalaman mo agad kung may malungkot Siya or hindi. Ako Naman ay sakto lang.. I can be formal and friendly sometimes basta naka depende sa kausap ko.
Ilang minuto pa ay pumasok narin ay dumating narin ang prof Namin at nag start na ang second subject Namin.
Habang nag di-discuss si sir ay naramdaman kong nag vibrate Yung phone ko. Pasimple kong binuksan ang phone ko at napangiti sa nakita ko.
Habang binabasa ko ang text Niya ay naramdaman ko Naman na siniko ako ni ai kaya napatingin ako sakanya.
Nakita ko siyang nakangiting ng mapang asar at lumapit sa tenga ko at bumulong Ng pasimple.
" Si Ulric yan no? " Tanong Niya sa akin habang nakangiti parin ng mapang asar.
Tinignan ko muna ang prof at nakahinga Naman ako Ng maluwag Ng makita kong nag susulat Siya sa white board.
I looked at her and smiled. Tumango ako sakaniya bilang pag sang ayon at nakaramdam ako Ng kilig.
Tumili Naman Siya Ng mahina kaya pinalo ko sa balikat at tinignan ang prof. Woh buti nalang at medyo malayo kayo kami sa harap.
Tinignan ko uli si ai at nakangisi na Siya ngayon.
"Wag ka masyado maingay, baka palabasin Tayo Dito." Sabi ko sakaniya.
She rolled her eyes na para bang sinasabi na Sana nga palabasin eh.
" Ano sabi?" Tanong Niya uli sa akin na mahina.
" Sabay daw kami Kain mamayang lunch dahil wala siyang meeting Ngayon hehe." Sabi ko sakanya.
Kinilig Naman ang lola niyo at hinampas ang balikat ko na napalakas kaya narinig Ng prof
Oh sh*t patay! Lumingon sa amin ang prof at tinignan kami Ng masama.
"You two, out!" sabi Niya. Itong lukaret na kaibigan Kong sobrang hyper at tamad, ayun Parang excited pa lumabas. Hinila Naman ako ni aizel at sabay na lumabas ng room.
Hay Sana hindi Niya malaman ito syet nakakahiya.