CALLAN’s POV
Hindi ko inaasahan ang pagdating ni Iris sa bahay, nabigla rin ako nang salubungin niya kaagad ako ng halik. Nakita ni Vania ang ginawa ni Iris pero wala siyang naging reaksyon. Siguro’y mas nasusuklam na siya ngayon sa akin. Papirmahin ko ba naman kasi siya sa gano’n klaseng kontrata.
Hindi na ko nakakapag-isip ng tama, nilamon ako ng takot ko na baka isang araw pag gising ko ay wala na siya rito. Napilitan akong itali siya sa isang kasunduan para masigurado ko ang pananatili niya sa tabi ko.
“I’m here to give you this,” pinatong ni Iris sa desk ko ang isang maliit na envelope.
“I’m celebrating my 28th birthday tomorrow. I wasn’t planning to have a party kaya late na ang invitation, but what happened yesterday changed my mind,” dagdag pa niya at ipinulupot ang kaniyang magkabilang braso sa leeg ko.
“Look, Iris, what happened yesterday doesn’t mean anything to me.”
Inalis ko ang mga braso niya sa leeg ko saka ako bumalik sa pagkakaupo.
“Hey, I know, it’s just s*x. I’m not expecting anything from you. Well, I received the approval from your assistant that your team agreed with my proposal…”
Umupo siya sa ibabaw ng table ko at sadyang ibinuka ang hita niya. Sapat lamang para makita ko ang kulay ng underwear na suot niya.
“And thought you might wanna check the place. The beach house in Puerto Princesa will be close for two days for the celebration of my birthday.”
Puwede ko naman iutos na lang ang gawain na iyon sa ibang tauhan ko pero may ideya na biglang pumasok sa isip ko. I can bring Vania with us, at para hindi masiyadong halata ay isasama ko na rin si Ethan.
“That sounds like a good idea.”
Naningkit ang mga mata ni Iris sa pagkakangiti nito nang marinig ang sinabi ko. Yumuko siya at mabilis na inabot ng halik ang labi ko.
“I’ll bring people with me if you don’t mind.”
“Not at all, kahit buong hotel staff mo pa ang isama mo. Ipapa-ready ko na ‘yong private plane na sasakyan niyo, you can leave tonight. I’ll be seeing you at the beach house, mauuna na ko ro’n para mag-asikaso.”
Tumango ako at bahagyang ngumiti. What a perfect opportunity to spend time with Vania. Sigurado rin ako at nabuburyo na siya sa loob nitong bahay.
Nang makaalis si Iris ay kaagad kong tinawagan si Ethan. May natanggap din pala siyang invitation mula kay Iris. Marahil kung tumanggi ako na magpunta ay pipilitin pa rin ako ng isang ‘to na isama.
Umalis ako ng study room para hanapin si Vania, halos nalibot ko na ang buong bahay pero hindi ko pa rin siya natagpuan. Sinubukan kong lumabas, malayo pa lang ay natanaw ko na siyang naka upo sa wooden bench ng garden. Mukhang malalim ang kaniyang iniisip dahil hindi man lang niya napansin na paparating ako.
“Pack your bags, I have a business trip in Palawan and you’re going with me.”
Hindi niya ako tinapunan ng tingin, basta na lamang siyang tumayo at naglakad paalis. Nahilamos ko na lang ang mukha ko sa naging kilos niya.
Unti-unti kong nararamdaman na parang mas lalong lumalayo ang loob niya sa’kin. Kahit naaabot siya ng tingin ko, kagabi lang ay kayakap ko pang matulog, pakiramdam ko ay ang layo niya pa rin.
‘Sorry, V, pero wala akong balak itigil ito. Hihintayin kitang mapagod hanggang sa ‘di mo na magawang labanan ang nararamdaman mo.’
***
VANIA’s POV
Kanina pa ‘ko hindi makatingin sa mga mata ni Callan. Mula sa eroplano, tuwing inaalalayan at kinakausap niya ‘ko. Hanggang sa pagbukas niya ng pinto ng sasakyan, at ngayon na iginigiya niya ko papunta sa magiging kuwarto ko sa napakalaking resort na ‘to na pagaari ng business partner niya.
Ayoko sanang gawing mas awkward ang sitwasyon para sa aming dalawa, pero pagiwas lang ang tanging paraan na naisip ko.
Tinapat ni Callan ang hawak na card key sa handle ng pinto, nag likha ‘yon ng ingay bago bumukas, “I hope you don’t mind sharing the same room with me, nagtabi na rin naman tayo last night.”
Gumapang ang kiliti mula sa kanang tenga ko pababa sa aking buong katawan. Hindi ko alam kung dahil ba sa init ng hininga niya o dahil sa laman ng sinabi nito. Masama ang kutob ko, mukhang may binabalak na namang hindi maganda si Callan.
Naglakad na ko papasok ng kuwarto, sinalubong kami ng sala na pinagigitnaan ng sofa na nakaharap sa glass window ng silid, kitang-kita ang kulay asul na dagat at ang magandang tanawin mula sa labas.
“You’re way more beautiful compare to the view,” wika ni Callan na kasalukuyang nakatayo sa likuran ko. Sa sobrang pagka mangha ko sa ganda ng mga nakikita ko ay hindi ko na napansin kung gaano katagal na siyang nakatayo roon.
Hindi ko pinansin ang sinabi niya, nagpatuloy ako sa pag hakbang habang hinahanap ng tingin ang bedroom.
“Come on, V. Hanggang kailan ka ganiyan? Mapapanis ‘yang laway mo kundi mo ko kakausapin.” Narinig ko ang mga yabag ng paa niya dahil sa paghabol sa’kin. Naramdaman ko ang pagpatong ng isa niyang braso sa balikat ko habang sinasabayan ang lakad ko.
“Can we just enjoy our stay here? I want to spend more time with you. Please, V.” Malambing ang tono ng boses ni Callan, tila ba kahit sinong makarinig no’n ay hindi makakatiis at mapapa-oo sa gusto nitong mangyari.
Nagpakawala ako ng malalim na buntong hininga bago ko siya hinarap, “Do I have a choice?” malamig na turan ko. Wala naman kasi talaga ‘kong pagpipilian. Hindi ako puwedeng tumanggi o humindi. Kasama ito sa kontratang pinirmahan ko.
Hinapit niya ang bewang ko papalapit sa kaniyang katawan, bago pa ko makapagsalita ay naikulong niya na ko sa mga braso niya. Bahagya niyang isiniksik ang mukha niya sa kaliwang bahagi ng leeg ko. Hindi ko mapigilang manlambot nang maramdaman ko ang paghinga niya.
Sinubukan kong kumawala sa yakap niya pero mas lalo niya lamang hinigpitan ang pagkakabalot ng mga braso niya sa katawan ko. Nakakabingi ang katahimikan sa loob ng kuwarto pero tila mas nakakabingi ang bilis ng t***k ng puso ko.
“Cal…”
“Oh God, parang ang tagal mo kong hindi tinawag sa pangalan ko.”
Mariin akong napapikit nang maramdaman ko ang pag dampi ng labi niya sa leeg ko. Gusto ko siyang itulak ngunit ayaw gumalaw ng mga braso ko.
“Cal, I don’t think –”
Naputol ang pagsasalita ko nang muli kong maramdaman ang labi niya, marahan ang pagdampi no’n paakyat sa tenga ko hanggang sa pisngi ko. Kung hindi niya marahil yakap ang katawan ko ay baka kanina pa ko natumba dahil sa panghihina ng mga tuhod ko.
“What the f**k is wrong with me, miss na miss kita kahit magkasama tayo sa iisang bahay.”
Bahagya niyang inilayo ang kaniyang mukha at matama akong tinignan sa mga mata. Gusto ko sanang umiwas pero para bang may magnet na kusang humihila sa’kin para titigan din ang mga mata niya.
Dahan-dahan niyang inilapit ang mukha niya sa’kin habang hindi pa rin napuputol ang mga tingin namin. Bago pa man tuluyang maglapat ang labi niya sa labi ko’y pareho kaming natigilan sa magkakasunod na katok sa pinto. Kaagad akong umiwas ng tingin at humakbang palayo sa kaniya. Narinig ko na lamang na napamura siya sa hangin bago ako tinalikuran saka nagsimulang maglakad papunta sa pintuan.
Dinampot ko sa sahig ang bag na bitbit ni Callan kanina, papasok na sana ako sa bedroom nang mahagip ng tingin ko ang pagpasok ni Iris sa kuwarto namin. Tila may kung anong kumurot sa puso ko nang masaksihan ko kung paano nito sinalubong ng halik si Callan.