CHAPTER NINE

1215 Words
VANIA’s POV Sa pagdilat ko nang aking mga mata kinaumagahan ay tumambad sa akin ang bagong ligo na si Callan. Kasalukuyan niyang pinupunasan ang basa niyang buhok, halatang kakatapos lang nito mag shower. Mabuti at nakapagsuot na rin ito ng damit bago pa ko magising. Nang bumangon ako sa pagkakahiga ay saka ko lamang napansin ang pantulog na suot ko, bigla kong hinila ang kumot pabalik sa katawan ko. Hindi ko naman kasi inaasahan na uuwi ng lasing si Callan, bumaba ako ng kuwarto kagabi para uminom ng tubig nang makita ko ang katawan niyang nakalupaypay sa harap ng bahay. Nawala na sa isip ko na magpalit nang mas makapal na damit. Pansamantala niyang inalis ang tuwalya na pinupunas niya sa kaniyang buhok saka niya ako sinulyapan. “Mukhang mahimbing ang tulog mo magdamag, masarap ba akong katabi?” Sumilay na naman ang mapang-asar niyang ngiti. Gusto kong isubsob ang mukha ko sa malambot na kumot dala ng hiya. Plano ko naman kasi talaga na magising ng maaga para hindi niya ako maabutan sa tabi niya, kaso napuyat ako at hindi kaagad nakatulog dahil sa posisyon naming dalawa. “G-Good morning, Sir...” Kumunot bigla ang kaniyang noo sa aking naging pagbati. Sinamantala ko iyon para tumayo saka ako tumalikod sa direksyon niya nang hindi nito mapansin na napakanipis ng suot ko. Malalaki ang hakbang ko papunta sa pinto ng kuwarto niya nang maramdaman ko ang pagpigil ng kamay niya sa kanan kong braso. “Ano ulit ang tinawag mo sa’kin, V?” seryoso ang tono ng kaniyang boses. “Ang akala ko ay malinaw na ang naging usapan natin kahapon, Sir?” sinadya kong sambitin nang mas mariin ang salitang sir. “You’re gonna regret this, V.” Dali-dali akong naglakad palabas nang bitiwan niya ang aking braso. Hinahabol ko pa ang paghinga ko nang makabalik ako sa loob ng silid ko. Kaagad akong naligo at nagbihis, parang dumikit kasi sa suot ko ang amoy ni Callan na pakiramdam ko ay nadala ko hanggang sa kuwarto. Hindi ko sinabayan kumain ng agahan si Callan. Pagkatapos ko magluto ay nagpunta ako ng sala at doon ininom ang kape na dala ko. Maya-maya pa’y naramdaman ko ang paglapit niya sa kinauupuan ko. “Pasensyahan na lang tayo, Vania, ikaw ang pumilit sa’kin na gawin ‘to,” inabot niya ang isang papel na kaagad ko namang tinanggap. “I’ll give you some time to read it. Wala akong pupuntahan, nasa study room lang ako kapag handa ka ng pumirma.” Pansamantala kong inilapag ang baso ng kape na hawak ko bago ko sinimulan basahin ang nakasulat sa papel na binigay ni Callan. This Agreement is made as of this 26th day of July of 2021 by and between Vania and Callan. This contract shall be in force for eight months from the date of signature of both parties. Vania shall perform the duties as a maid to compensate the money she borrowed from Callan. Iyon lamang ang nakasulat sa first page. Inayos ko ang pagkakaupo bago ko inilipat sa kasunod na pahina. Vania shall have the following duties and undertake the following responsibilities: ü Daily house chores ü Meal preparation for Callan ü Grocery shopping with Callan ü Going on a vacation/trip/date with Callan. Also, Callan may be asked to perform additional duties such as hugging, kissing, eating and sleeping together. Vania will perform her duties from Monday through Saturday. She shall receive another P200,000 once agreed and successfully finished the contract. Nahilamos ko ang aking mukha matapos basahin iyon. Anong klaseng kontrata ito? Gusto kong lukutin iyon at ibato kay Callan pero muling dumako ang mga mata ko sa halaga ng pera na nakasulat doon… Dalawang daang libong piso! Napakalaking pera no’n, maaari kong i-save ang kalahati para kay Tasha habang ang kalahati naman ay idadagdag ko pang negosyo. Subalit hindi ko maiwasang isipin si Tim, kasal kami, sa mata ng ibang tao ay maling-mali ito. Ngunit sa mata ng isang ina na gaya ko, pamilya ang pinaka mahalaga. Gagawin ko ito para mabigyan ng magandang buhay ang anak ko, buhay na alam kong hindi maibibigay sa amin ng ama niya. Hindi ako sigurado sa tumatakbo ngayon sa utak ni Callan. Ayokong isipin na ginagamit niya ang kalagayan ko. Kilala ko siyang mabuting tao, bukod doon ay siya ang nagligtas sa buhay ng pamilya ko. Nakakalito, gulong-gulo na ako. Tumayo ako mula sa pagkakaupo at naglakad patungo sa study room ni Callan. Nakabukas ang pinto kaya hindi na ako nag abala pa na kumatok bago pumasok. May hawak siyang libro pero nakatitig ito sa kawalan. Kung hindi pa ako tumikhim ay hindi niya mapapansin ang pagdating ko. “Bago ko ito pirmahan, gusto ko lang linawin na wala na akong ibang gagawin bukod sa mga bagay na nakasulat dito,” inilapag ko ang kontrata sa ibabaw ng desk niya. “If you’re referring about s*x… I would love to include that, but I’m no monster, V. Sisiguruhin ko na ikaw mismo ang hihingi sa’kin no’n,” kinuha ko ang ballpen sa mesa niya at saka mabilis na pinirmahan ang dalawang pahina ng papel. “Hindi ko alam anong pina-plano mo pero uunahan na kita, narito ako para lamang mag trabaho sa’yo. Kahit pa anong ilagay mo sa pahina ng mga papel na ‘to, hindi mababago niyan na pamilyado akong tao, may asawa’t anak ako. I have no plans to have s*x with you.” Hindi ko na siya hinintay na muling makapagsalita, tumalikod na ko at naglakad palabas. Nang makalayo ako sa study room niya ay saka lamang ako nagpakawala ng malalim na buntong-hininga. Napahawak ako sa pader, hindi ako makapaniwalang nasabi ko iyon sa kaniya. Alam kong wala akong karapatan, wala rin ako sa posisyon para pagsalitaan siya ng gano’n. Noong una ay maayos naman ang lahat sa pagitan namin, kung hindi lang ako nagpumilit na tratuhin niya akong kasambahay. Hindi ko kasi maiwasan na matakot sa posibilidad na muling bumalik lahat nang nararamdaman ko para sa kaniya, kaya’t habang maaga pa ay pinutol ko na. “Uh, hi? Where is your boss?” nagtaas ako ng tingin at nakita ko ang isang pamilyar na mukha. “Nasa study room po siya, Ma’am,” magalang na sagot ko habang hinahalungkat sa alaala ko kung saan ko nga ba nakita ang babaeng ito. “Puwede mo ba akong samahan? It’s my first time here,” tumango na lamang ako at iginiya ito papunta sa study room ni Callan. Nakabukas pa rin ang pinto nang makarating kami kaya dere-deretso na itong pumasok doon. Nakita ko pang nabigla si Callan nang makita ito. “God, Iris, what are you doing here?” Kaya pala pamilyar ang kaniyang mukha, siya ‘yong babae na kasama ni Callan sa conference room. Iyong tinatawag niyang VIP client. Mas maganda siya sa malapitan, sexy at mukhang kasing yaman ni Callan. Bago ako umalis ay nahagip pa ng tingin ko ang pag sunggab ni Iris ng halik kay Callan. They look good together. Mas bagay rin sila. Sana ay sa kaniya na lang ibaling ni Callan ang nararamdaman niya, dahil kahit anong pilit nito ay napakalabo nang maibalik pa ang dating namamagitan sa aming dalawa. Kasal ako, may anak, at nandito ako ngayon para lamang magbayad sa pagkakautang ko sa kaniya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD