Chapter One: A One Night Stand with A Stranger
"What?!" halos namilog ang mga mata ni Clarisse.
Naka upo silang dalawa sa maliit na sofa sa apartment na parehas naming inuupahan.
May dalawang maliliit na kwarto at may maliit na kusina, comfort room at sala.
Tamang tama lang sa kagaya nila na dalawa lang na magkasama.
"Yes... and what's wrong with that?" Wala sa sarili kong sagot.
Kasunod ng isang kibit balikat.
"Nakipag s*x ka Lyndsay sa isang estranghero at ngayon sasabihin mo sa akin na "what's wrong with that?!" E kung sabunutan kaya kita diyan at nang matauhan ka na.
Natawa si Lyndsay sa sinabi ng kaibigan dahil nakikita niya kung paano nangunot ang noo nito at tumikwas tikwas pa ang nguso.
Ganitong ganito talaga ang itsura ng kaibigan niya basta may ipinaglalaban ito. Daig pa ang amazona.
" Lyndsay Antonette ibinigay mo po ang sarili mo sa isang tao na hindi mo kakilala... paano kung magbunga yan?!"
"Actually naisip ko na rin naman iyon!
Kaso ano naman ang magagawa ko ay nangyari na at nagawa ko na rin naman."
"Yun nga ang gusto ko para may makasama na ako habang buhay. Isang bata na tatawagin akong mommy, o di ba ang saya nun?!"
Tumayo si Lyndsay para kumuha ng chips sa maliit na ref at nagsimula na papakin ang laman noon.
" And .... talagang sa tingin mo ganun ganun lang yun... beast mode na si Clarisse. Halos magkapatid na ang turingan nila ng kaibigan. Kaya sa mga oras na ito nasisiguro niya na malapit na talaga siya nitong sabunutan sa matinding inis.
Paano nga ba hindi magagalit ang matalik niyang kaibigan. Lumalabas naman talaga na isang malaking kagagahan ang ginawa niya.
Si Clarisse naman ang tumayo at kumuha ng malamig na tubig muka sa ref.
Hindi yata maka focus ang kaibigan niya nng dahil sa ipinagtapat niya kaya parang bigla itong nauhaw.
Nakipag talik siya sa isang lalaki na sa bar lang niya nakilala. Ni hindi niya alam ang pangalan.
Kahit sinong matinong babae ay hindi yun gagawin. Pero paano panhga ba niya mababawi... wala na siya magagawa dahil tapos na at hindi na niya maibabalik pa!
May kung anong bugso ng damdamin na para bang bumulong sa kanya at nagsabi na siya ang tamang lalaki para magbigay sa kanya ng anak. At heto siya isang g*ga at kalahati ay bumigay din naman nga!
At dahil katatapos lang ng menstruation niya natitiyak niya na fertile siya sa mga sandaling ito.
Napakagandang lalaki ng lalaking nakasama niya kagabi...tiyak na magiging perfect ang combination nila kapag nagkataon dahil isa rin naman siyang magandang babae.
Sa katunayan marami talaga siyang manliligaw. Pero siya itong ayaw.
Pihikan siya sa mga lalaki at kahit minsan hindi niya sineryoso ang sinumang naka relasyon.
Maya maya yun namang stand fan ang binuksan ni Clarisse na para bang init na init.
"Okay ka lang ba Clarisse?" si Lyndsay.
"Hay ewan ko na sayo Lyndsay, sana lang hindi mo ito pagsisihan sa bandang hul!" unti- unti na jiyang nararamdaman sa boses ni Clarisse na disappointed na talaga ito sa kanya.
Kataka taka rin naman na sa kabila ng katotohanan na sa halip na matakot sa nagawa ay wala siyang nararamdaman na pangamba o di kaya ay panghihinayang.
At the age of 26 ipinagkaloob niya ang virginity sa isang lalaking noon lang niya nakita.
"Ay ewan ... Ewan ko sa iyo Lyndsay hindi ko alam kung anong pumasok sa isip mo at nagawa mo yan... at ngayun tulala Ka lang hays ... sana hindi mo ito pagsisihan!" mahabang sermon ni Clarisse habang kibot ng kibot ang mga labi.
"Pagsisihan" yun ang salitang paulit ulit na naka rehistro sa utak ni Lyndsay.. actually hindi rin talaga niya alam kung bakit niya nagawang ibigay ang sarili sa isang estranghero.
Hindi nga ba ang dapat ay iningatan niya ang virginity para sa taong papakasalan niya? Gaya ng palagi niyang ginagawa sa mga past relationship niya. E kaya nga siguro madalas hindi nag wowork ang relationship niya with his ex boyfriends dahil hindi niya ito maibigay. And yet now sa isang iglap ay para lang siyang namigay ng candy at hindi man lang siya nanghinayang.
Siguro dahil ngayon nakikita na niya na there's no such as a fairy tale love story. Wala na yung dream love story na naririnig niya before sa mga magulang. Simula nang malaman niya that his own father is cheating on her mother nawalan na rin siya ng paniniwala sa true love na yan.
For her giving so much love and affection is not an assurance that this someone will love you back! Just like the sad story of her mommy and daddy.
So ano pa yung reason para magseryoso sa isang tao? Para kay Lyndsay hindi na siya naniniwala sa purity ng love.
Para sa kanya ang pakikipag relasyon ay isang sugal. Minsan na siya sumugal kay Marcus at natalo siya. Isa siyang talunan dahil mas pinili ni Marcus na sumiping sa iba nang dahil lang sa hindi nito magawa ang gusto niya sa kanya bilang siya ay lalaki at nasa sapat nang gulang.
Alam naman niya na may pagkukulang siya pagdating sa bagay na iyon. Baka nga kaya natukso ito at nakabuntis ng ibang babae. Dahil hinanap nito sa iba yung bagay na hindi niya kayang ibigay.
Pero doon lang ba nagsisimula at natatapos ang lahat? Hindi pa ba sapat yung pagmamahal niya? Hindi pa ba sapat na araw-araw na magkasama sila at sinasabi niya na mahal na mahal niya ito?
Ginawa naman niya ang lahat!
Third year college lang siya nang mangyari ang lahat. Isang taon na lang at gagraduate na sa kursong kinukuha.. nung una ang usapan nila ni Marcus ay hahayaan lang siya nito na maka graduate ng college at mag settle down na sila since may maayos naman itong pusisyon sa isang kilalang company.
Hanggang sa mangyari na nga hindi dapat mangyari.
Huli na nang malaman niya na may iba na ang lalaking una niyang minahal.
Nakita ni Clarisse na may ibang kasamang babae si Marcus at buntis na ang babae dahil halata na ang tiyan nito sa soot na maternity dress.
Maganda at makinis daw ang babae at halatang mayaman base sa kuwento ng kaibigan niya.
Kumakain daw ang dalawa sa isang restaurant.
Nang sabihin yun ni Clarisse sa kanya kakaibang kutob na ang naramdaman niya hanggang sa kumprontahin na nga niya si Marcus.
Hindi na ito nakapag kaila pa at umamin na rin na ang babaeng nakita ni Clarisse ay totoong nabuntis niya at anak niya ang nasa sinapupunan nito.
Isang nakaraaan ni Marcus ang babae. Dating girlfriend raw ni Marcus ang babae at nang minsang nagkaroon ng party ang batch nila ng college ay parehas silang nakalimot. Doon nagsimula ang lahat at dahil sa nabuntis na nga nito ang babae ay wala na siyang magagawa pa kundi panagutan ang pagiging ama niya sa bata.
Isang masakit na katotohanan na paulit-ulit na nag pe play sa isip niya magpahanggang sa ngayon.
Pero ang higit na masakit at masaklap para sa kanya ay hindi ang pagpili nj Marcus sa babae dahil sa responsibilidad kung hindi ang katotohanan na habang buo ang tiwala niya sa lalaking minamahal niya ay hindi pala ito naging totoo sa kanya at natukso ito sa iba.
Betrayal na maituturing dahil nagawa nitong pagsabayin sila ng babae habang siya ay buo ang tiwala na ibinibigay!
Napaka saklap magmahal at magtiwala at pagkatapos ay lokohin ng taong mahal mo!
Hindi na niya kaya pang matiwala muli.
And now all that she wanted is to have a baby of her own. Whole flesh and blood!
Isang batang matatawag na "anak".
At kukumpleto sa buhay niya as a woman.
"Well..kung mabubuntis man ako Clarisse isang malaking blessing yun for me and for sure ikaw ang nag iisang ninang" biro pa niya na lalong ikinapikon nito.
"Hay ewan ko na lang sayo Lyndsay! Bahala ka na nga diyan!" at tuluyan na itong pumasok sa kwarto nito na tila ba inis na inis.
Hinawakan naman niya ang kanyang impis na tiyan.
Paano nga kaya kung magbunga ang isang gabi na yun?!