“Anong ibig sabihin nito, Gael?” naiiyak na tanong niya nang makapasok na sila sa bahay at sinabihan ang kapatid at tiyahin na iwanan na muna sila ni Gael at may pag-uusapan sila. Dali-dali namang lumabas ang dalawa, mamimili daw ng pagkain. “Anong ginawa mo?!” hiyaw niya sabay tulak rito. “Anya,” tawag nito sa kanya. At bago pa muling maitulak ito, hinawakan nito ang dalawang kamay niya para pigilan sa pagtulak sa dibdib nito. “I’m giving you a brand new home.” “At anong kapalit, ah, Gael?” naiiyak na tanong niya. Napansin niyang nag-iwas ng tingin si Gael sa kanya, tila ba hindi nito kaya ang makita siyang umiiyak. “Nasabi ko na ang lahat sa tiyahin mo.” “Ano?! Sinabi mo kay T’yang?” gulat na tanong niya at inis na binawi ang mga braso mula rito. “Hindi ba’t sinabi ko nang

