Nagtungo sila sa opisina nito kung saan siya na-interview nito. Napansin siya ng babaing assistant nito. Nahihiya man siya, nagtuloy siya sa pagsunod kay Gael sa loob. Pagpasok sa loob, saktong nasa-sara pa lang niya ang pintuan nang hilahin siya nito sa braso at idikit sa likod ng pintuan. Nagulat siya sa inasta nito. “Ano ba? Bitiwan mo ako!” protesta niya. Ayaw na niyang maging ganito sila kalapit nito. Hindi kasi niya gusto ang kakaibang nararamdaman. “Why were you with him?” tanong nito sa kanya na halos magpalit na sila ng mukha sa sobrang lapit nito sa kanya. “Ano bang ginagawa mo?” inis na tanong niya. Sinubukang itulak ito pero pinigilan nito ang dalawang braso niya. “Gael! Ano ba!” “Why are you doing this, Anya? Bakit hindi mo pa tanggapin ang offer ko? Pakasal ka na sa

