Paunawa: Ang mga sumusunod na eksena ay naglalaman ng mga sensitibong eksena at sekswal na konteksto na hindi angkop para sa mga mambabasa na may edad 18 pababa. IPINAGTAPAT na ni Dom ang lahat kay Rhodri tungkol sa totoong relasyon nila ni Enzo, maliban lang sa tunay na kasarian ng matalik na kaibigan. “I’m sorry, Dad, kung hindi ko masabi sa iyo ang lahat ng sikreto ni Enzo. Ayaw kong pangunahan ang desisyon ng kaibigan ko. Hihintayin ko na lang na sabihin niya sa iyo ang totoo,” wika ni Dom sa kaniyang sarili habang nakayakap kay Rhodri. Nag-aalala pa rin si Dom sa kalagayan ng kaniyang kaibigan, kaya nagpasya siyang huwag munang sabihin kay Rhodri ang totoo tungkol kay Enzo. Ayaw na niyang dagdagan pa ang sakit na nararamdaman ng kaniyang matalik na kaibigan, kaya minabuti niyang ma

