~RHODRI~ MASAKIT sa dibdib habang pinagmamasdan ko ang aking anak habang papasok sa airport. Gusto ko siyang samahan papuntang America, pero alam kong hindi puwede dahil may kumpanya ako na dapat kong asikasuhin. Laking pasalamat ko naman dahil naiintindihan iyon ni Enzo. Pagkatapos ko siyang ihatid sa airport ay dumiretso agad ako sa opisina ko. Hindi na ako umuwi sa mans’yon dahil nakokonsensiya ako sa mga ginagawa ko sa tuwing naiisip ko ang kalagayan ng aking anak. Nandidiri ako sa sarili ko sa pag-agaw sa babaeng mahal ng anak ko. Wala akong ibang hinangad, kun ‘di ang magkaroon ng masayang pamilya ang aking unico hijo. Pero heto ako, palihim na inaangkin ang babaeng pakakasalan niya. Isang linggo ko nang hindi nakikita si Dom dahil hindi ako umuuwi sa mansyon. Sinubukan kong

