Kabanata 11

1117 Words
Kabanata 11 Sibling (3) ........... Sorry na man Nay Manang, wala naman po kasi sa plano ko ang maagang gumising eh. Sadyang hindi lang ako makatulog.” Paglalalambing ko dito. Bumuntong hininga ito. “O siya at gagawan na lang kita Ng sandwich mukha kasing may pupuntahan ka pa.” ngumisi ako. Hindi talaga ako matiis nitong si Nah Manang. “Thank you Nay Manang.” Niyakap ko ito at hinalikan sa pisngi. “Asus naglambing pa, dalawa na nga lang ang gagawin ko.” May ngisi na sa mga labi nito. “Nay Manang, nasa labas na po ba si Manong?” tanong ko dito. “Oo, nandoon na, nilinis ang sasakyan.” Bumaling ito sa akin na may pagtataka. “Bakit? Saan ka magpapahatid?” “Sa kina Eva lang po, sabi ko po kasi dito na ipapasundo ko ito, eh, baka di ako suputin.” Paliwanag ko dito. “Ahh, sige, ingay ka doon ha.” Nang matapos akong uminom ay inilagay ni Nay Manang ang sandwich sa paper bag. “Kainin mo to ha. Wag kang magpapalipas Ng gutom.” Pagpapa-alala nito sa akin. Matamis akong ngumiti dito at tumango. “Sige Nay Manang alis na ako.” Kumaway ako dito habang palabas ako ng kusina. Nang nasa labas na ako ay nakita ko si Manong na naglilinis Ng sasakyan. Nilapitan ko Ito. “Good morning Manong.” Bati ko dito. Nagulat ito. “Good morning ho ma’am. Gagamitin niyo po ba ang sasakyan?” tanong ni Manong sa akin. “Oo sana Manong. Papahatid ako kina Eva, baka kasi hindi sumipot sa usapan namin.” Paliwanag ko dito “Ahh, ganun po ba ma’am sige po at ililigpit ko lang po to, at tutulak na tayo.” Sabi nito at nagkamadaling nilagay ang panglinis sa lalagyan nito. “Tara na ho ma’am.” Sabi nito at pinagbuksan ako ng pintuan Ng sasakyan. Pumasok ako at mabilis na sinirado ni Manong at umikot at sumakay na rin Ng kotse. Mabilis nitong pina-andar Ang sasakyan at tinahak na nito ang ruta papunta sa kina Eva. Habang nasa byahe kami ay kinain ko Ang sandwich na pinabaon sa akin ni Nay Manang. Pagakarating ay mabilis akong lumabas, hindi ko na hinintay na pagbuksan ako ni Manong. Nag door bell ako. Pagkaraan ng ilang sandali ay binuksan ito ng kuya ni Eva, si Greg. “Bakit ka nandito?” walang ganang tanong nito sa akin. As always hindi ako nito gusto. “Kukunin ko sana so Eva.” Bat mo tinatanong? Diba ayaw mo sa akin?! Kagigil! “Sandali lang at pupuntahan ko muna siya, pasok ka.” Nilakihan nito ang siwang sa gate at nauna akong pumasok doon. Iginiya ako nito sa sala nila. “Upo ka muna dito. Puntahan ko muna si Eva.” Sabi nito at iniwan ako sa sala. Di man lang ito nag-offer ng maiinom, kahit tubig man Lang. Ang bastos rin nito minsan. Mabuti na lang at umalis ito, kung hindi ay mababatukan ko talaga yun. Makalipas ang ilang saglit ay lumabas na si Eva na naka pantulog pa at halatang bagong gising. Hay… what do I expect? “Morning.” Bati nito. “Good morning too… magbihis kana at aalis na tayo. Baka dumating na yung mga kapatid ko.” Sabi ko dito. “Magbihis ka na at sa.amin ka na lang kumain ng agahan.” “s**t! Nakalimutan ko.” At mabilis pa sa alas kwarto itong iwan ako sa sala. Tss… kahit kailan talaga. Limang minuto ang dumaan at bumaba na Ito. Halatang excited. “Tara na.” Sabi nito kaya tumayo na ako at sabay kaming lumabas sa bahay. NASA LOOB na kami ng subdivision ng malampasan namin ang isang black van na nasa gilid at kinaka-usap ng guard. Well baka may binisita. Nang makarating na kami sa rotunda ng bahay ay lumabas na kami ni Eva. Tinahak namin ang daan patungong garden. May nakasalubong akong kasambahay kaya tinawag ko Ito. “Ate, pakikuha kami Ng agahan, gutom na kasi tong isa kong kasama eh.” Utos ko dito. “Sige po ma’am.” Mabilis itong tumalima. Nang makaupo na kami ay agad itong nagtanong. “Gwapo siguro yung kapatid mo.” Sabi nito at mukha pang kinikilig. Nagkibit lang ako ng balikat. “Ewan.” “Anong oras kaya sila darating ano?” Excited na tanong nito. “Ewan ko.” “Puro ka na lang ewan.” Natawa na Lang ako dito. Ano ba ang gusto nitong marinig? Wala nga akong alam kung ano ang mga pangalan ng mga Ito, ‘tas ngayun tanungin ako Kung anong itsura Ng mga Yun? Iba rin ‘tong isang to. Nagvibrate Ang phone ko kaya tinignan ko kung sino Ang tumawag o nag text. It was Marah. Inopen ko Ang message nito. Marah: Hey, sorry di kami makakapunta diyan may lakad kasi kami ni Shaine eh. Maybe next time. Hay mabuti naman at hindi natuloy Ang dalawang yun. Mabuti na lang at nalang at dumating Ang agahan namin at nang maitikom na nito ang bibig nitong walang tigil sa kakasalita. Mabilis nitong nilantakan Ang pagkain. Uminom na lang ako ng tubig, dahil busog pa naman ako dahil sa kinain kong sandwich. “Ma’am, pinapatawag po kayo sa sala ng Mommy niyo.” Imporma sa akin ng kasambahay. “Sige, susunod kami.” Sabi ko. Bumaling ako Kay Eva na mabilis na inubos Ang ntitirang pagakin sa pinggan nito. “You’re unbelievable.” Natatawa kong saad dahil pagkarinig nito sa sinabi Ng kasambahay ay sunod-sunod na subo Ang ginawa nito. “Sorry na, kasi na excite lang naman ako eh.” Sabi nito, habang pinupunasan ang bibig. “Oo na, tara na at baka napaghintay sila ng matagal.” Tumango naman Ito at tumayo na. Nang nasa dinning area kami ay may narinig kaming mga tinig. Mukhang nandito na nga sila. “Ise, nakakakaba naman to. Kahit hindi ako kapatid kinakabahan ako.” Sabi nito sabay hawak sa braso ko. True enough, dahil sobrang lamig Ng kamay nito. “Wag ka nga, hindi naman ako kinakabahan eh.” Tinawanan ko na Lang Ito. “Ma’am, Sir, nandito na po si Ma’am.” Improma ng kasambahay namin. Nawala na Ang mga boses kaya pumasok na kami. Pagkapasok namin ay may nakita akong tatlong lalaki at isang babae. Ang isa ay may katandaan na, siguradong Ito ang naging boyfriend ni Mommy noon. Yung dalawang lalaki naman ay magkamukha pero sa unang tingin mo pa lang ay makikita mo na Ang kaibahan. Ang isa ay may peircing, I think bad boy, yung isa ay parang nerd, may eyeglasses kasi. Yung babae ay parang sheltered sa kanila. In short inosente. ....... ALUMPYLOVESTORY
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD