BUMALIKWAS ako nang bangon ng maramdaman kong may nakayakap sa akin. Masakit pa rin ang ulo ko pero hindi na ito gaya ng kahapon. Lumingon ako sa aking tabi. Nagulat ako ng si William ang nakita ko doon. Mahimbing ang kanyang tulog at nakaawang pa ng bahagya ang kanyang bibig. Naalala ko ang ginawa niyang pag-aalaga sa akin kagabi. Sinubuan niya ako ng lugaw bago niya ako pinainum ng gamot at pinunasan niya ako pa ng malamig na bimpo hanggang sa makatulog ako. Hindi ko alam kung bakit nandito pa siya natulog at yakap-yakap pa ako. Dahan-dahan kong tinanggal ang hita niya sa hita ko. Hindi ko pa man natatanggal ay gumalaw siya at dumilat ang isa niyang mata. Nakaramdam ako ng hiya at pagkailang. Hindi ako sanay na magkadikit kami at malapit sa isa't-isa. Tuluyan na siyang bumangon at hinipo

