"SO, what's your favorite food?" tanong ko sa kanya. May hawak akong notebook at ballpen. Lahat ng isasagot niya doon ay isusulat ko. Kahapon lang kami dumating dito sa Palawan kung saan ay bakasyon raw naming dalawa. Nakakatuwa pa dahil magkasundo na kami ni William nang magpunta kami dito. Ang pangit naman kasing magbabakasyon kaming hindi nagpapansinan. Tanaw na tanaw namin mula dito sa balcony ng aming Villa ang malawak na karagatan. Kulay asul iyon at napakalinis tingnan. Kumunot ang kanyang noo at umiling siya sa tinanong ko. "Kailangan pa ba 'yan?" "Oo naman! Para makilala kita at mamaya ako naman ang tatanungin mo. Ganito kaya ginagawa namin sa school." nakanguso kong tugon. "Tss. No need for that. Makikilala rin naman natin ang isa't isa ng hindi natin napapansin." aniya. "H

