NAPASAPO ako sa aking ulo dahil sa sobrang kirot at sakit niyon. Isabay pa ang pananakit ng aking katawan partikular na sa pagitan ng aking mga hita. Maka-ilang beses ba naman namin ginawa at isama pa ang hindi pangkaraniwang haba at laki ng kargada ni William. Mabuti na lang talaga at kinaya ko pa. Ang akala ko ay mamamatay na ako sa sarap kagabi! Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata. Lumingon ako sa bandang kaliwa kung saan naroon ang bintana. Maliwanag na sa labas, at hula ko'y tanghali na. Wala na akong kasama sa ibabaw ng kama. Nasaan na kaya si William? Ang walang hiyang lalaki na 'yon. Hindi ba naman ako tinigilan! Nag-init ang pisngi ko nang maalala ko ang mga ginawa namin kagabi. Ni hindi nga sumagi sa panaginip ko na mangyayari ang lahat ng ito. Na magagawa namin ang

