MATAGAL kaming nagkatitigan na dalawa habong hinahabol namin pareho ang aming paghinga. Nagulat ako nang iangat niya ang mukha ko at muli akong hinalikan. Marahan at masuyong halik ang iginawad niya sa akin. Tila pinapayapa noon ang utak ko pero hinihibang naman niya ang puso ko. Siya lang ang kauna-unahang lalaki ang bukod tanging nakagawa sa akin ng ganito. Nanatili lang ako sa pwesto ko at hindi ako gumagalaw. Natatakot ako na baka humiwalay na naman ang labi niya oras na gumalaw ako. Ngayon ay sinusundan ko na ang bawat paggalaw ng kanyang labi. Iniisip ko na kung ngayon namin gagawin ang paggawa ng baby ay nakahanda na ako basta 'wag niya lang titigilan ang labi ko. Nakakaadik ang kanyang halik. Ang tamis ng kanyang labi na tila ba naging paborito ko ng candy. Ang init ng hininga n

