Chapter 25 - Kiss

1211 Words

INALALAYAN ako ni William maglakad hanggang sa makarating kami dito sa kwarto niya. Simula kasi nang umalis si ate Antonietta ay tulala ako at hindi makausap. "Are you al'right?" malambing niyang tanong nang maiupo niya na ako sa kama. Nangingilid ang luha ko nang lingunin ko siya. "H-Hindi ko alam," wala sa sarili kong sagot. "I'm sorry," aniya at malamlam ang kanyang mga mata. Bakas doon ang sinseridad sa paghingi niya ng tawad. "P-Para saan?" Sinikap ko pa rin ang tanungin siya kahit na maraming bumabagabag sa isip ko. "Hindi ko sinabi sa'yo ang tungkol sa tatay mo." Bumuntong hininga ako at tama nga ako sa hinala ko na siya ang may gawa no'n. Hinaplos ko ang kanyang pisngi at tipid siyang nginitian. "S-Salamat.... kasi hindi mo ako pinabayaan," sambit ko at tuluyan ng naiyak.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD