DAHAN-DAHAN kong idinilat ang mga mata ko nang wala akong marinig na tugon mula sa kanya. Sumalubong sa akin ang nanlalaki niyang mga mata at hindi makapaniwala. "B-Bakit?" Kumurap-kurap siya bago magsalita. "Ano'ng sinabi mo?" Ha? Ano ba 'yan? Nakakabingi ba 'yong sinabi ko? "T-Tuparin na natin ang hiling ni mama," pag-uulit ko sa kanya. "You mean... pumapayag ka na?" hindi makapaniwala niya pa ring tanong. Sunod-sunod ang ginawa kong pagtango. "Can we do it now?" tanong niya. Tila sabik naman ang boses niya na nagbigay sa akin ng kilabot. Tinakasan yata ako ng kaluluwa sa sinabi niya. Ngayon na agad? Hindi ba p'wedeng next month naman? Kaso naalala ko si mama Thelma. Natigilan ako. "If you're not ready yet. Don't pressure yourself," pagbawi niya at hinaplos muli ang aking pi

