WALANG tigil sa pagtulo ang mga luha ko habang nakatanaw sa malawak karagatan. Nakasalampak ako ng upo sa buhanginan sa madilim na bahagi ng isla na ito. Madalim dito at liblib. Tanging buwan lang ang nagsisilbing liwanag sa paligid. Tahimik dito at walang dumadaan na tao kaya dito ko nagustuhang tumambay muna. Nawala ang kalasingan ko dahil sa away namin kanina ni William. Hindi ko talaga siya maintindihan. Siya itong may problema at ngayon ako ang tatanungin niya kung ano ang problema ko? Siya itong may kahalikan na ibang babae, pero ako ang sasabihan niya ng malandi? Saan ang hustisya? Marami ang gumugulo sa aking isipan. Isabay pa ang tungkol sa katauhan ko. Dati ay balewala naman sa akin ang sinasabi noon ng ibang tao. Pero ngayon parang duda na rin ako sa pagkatao ko. Simula nang ib

