"YOU'RE a crazy girl!" sigaw niya nang makalabas kami ng bar. Hinila niya ako at halos kaladkarin niya ako palabas sa bar na 'yon. Hinila ko ang braso ko sa kanya at masama siyang tiningnan. "Mas baliw ka!" sigaw ko rin sa kanya bago tumalikod at naglakad na palayo sa kanya. Nahihilo pa ako pero pinilit ko ang maglakad palayo sa kanya. "At saan mo na naman balak pumunta?" Hinila na naman niya ang braso ko kaya napalingon ako sa kanya. Napapikit ako nang makaramdam ng hilo. "You're damn drunk! At kung sinu-sino pa ang sinasamahan mo," aniya sa galit na tinig. Dumilat ako at tiningnan siya. "Si Cyrus 'yon. Nagmagandang loob lang naman siya na samahan ako para hanapin ka. Hindi ko naman kasi akalain na sa bar kita makikita at may kasamang babae." sambit ko sa kanya at nagyuko ako ng aki

