Chapter 29 - Galit

1540 Words

ISANG linggo na ang nakalipas simula ng malaman ko ang pagkakakulong ni Tatay. Nililibang ko na lang talaga ang sarili ko sa masasayang bagay para hindi na sumagi sa isip ko ang masamang balita. Nagdidilig ako ng halaman tuwing umaga, kung minsan ay tumutulong sa kusina. Sa hapon naman ay ako ang nagbabantay kay mama Thelma sa kwarto niya. Nagku-kwentuhan at bonding kaming dalawa. "Kumusta na kayo ng anak ko?" nakangiti niyang tanong sa akin. Nandito kami ngayon sa balkonahe ng kanyang kwarto. Naka-upo siya sa kanyang wheelchair habang tanaw namin ang malawak na lupain na pagmamay-ari nila. Tanaw na tanaw namin mula rito ang ibang kabayo, baka at iba pang hayop na nasa bukas na kulungan. Sa kanugnog ay may mangilan-ngilang taniman ng gulay at prutas. Ang sariwa pa ng hangin na dumadampi s

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD