ILANG araw na ang lumipas magmula ng mangyari ang tagpong nakita ako ni William sa kusina at kausap ko si Kristoff. Galit na galit siya hindi lang sa akin maging sa pinsan niya. At hanggang ngayon nga ay hindi niya pa rin ako pinapansin at kinakausap. Kung dati ay tuwing gabi nagkakausap at nagkikita pa kami. Ngayon ay hindi na. Maaga pa lang ay umaalis na siya at madaling araw na siya kung umuwi. Nalulungkot ako dahil miss na miss ko na siya. Sa tuwing hinihintay ko naman siya sa gabi ay hindi niya ako pinapansin at sa guest room siya dumidiretso para matulog. Hindi ko na tuloy alam kung ano ang gagawin ko. Gaya na lang ngayon. Alas dos na ng madaling araw pero wala pa siya. Nakahiga ako ng nakatalikod sa pinto at hinihintay siya. Hindi ko na siya hinintay pa sa sala dahil baka sa guest

