HINDI mawala-wala ang ngiti sa mga labi ko dahil sa sobrang excitement. Nauna nang lumabas si William dahil kakausapin niya raw ang may-ari ng yate na aarkilahin niya. Alam kong mahal ang mag-arkila ng yate. Pero bahala na. Pera naman niya ang pinambayad. Susulitin ko ang mga araw na nasa yate. Teka... ilang araw naman kaya kami doon? Bitbit ko na ang aking backpack ay lumabas na ako sa unit namin. Hindi na ako nagpalit pa ng damit dahil kasusuot ko lang naman nito kanina. Nagsuot na lang ako ng shades dahil maaraw na sa labas. Nang makalabas ay agad hinanap ng mga mata ko ang yate. Nangunot ang noo ko nang wala naman akong makitang yate na naka-daong sa pampang. "Call the manager, I want to talk to him." Napalingon ako sa aking likuran nang marinig ko ang galit na tinig ni William. Hin

