MAGKAYAKAP kami ni William nang magising ako nang maaga. Mahigpit niya akong yakap sa ilalim ng kumot at kapwa wala pang saplot ang aming katawan. Wala sa sariling napangiti ako sa alaala ng mga nangyari kagabi. Ang buong akala ko ay kina May-May na ako matutulog at pansamantalang tutuloy habang nagpapalipas ng sama ng loob sa kanya. Hindi ko rin naman akalain na hahanapin niya ako at mag-so-sorry rin sa akin. May bahagi na nasagot ang mga katanungan ko kung bakit niya nasabi ang mga 'yon sa akin. Nag-sorry naman siya at ramdam ko ang sinseridad niya kaya pinatawad ko na rin siya. Besides, I love him para tiisin ko pa siya ng bongga. At isa pa na-miss niya raw ako at gayon din naman ako sa kanya. Grabe naman kasi magtampo ang bebe ko. Tinalo pa ang babae. Tumingala ako upang makita ang na

