TULALA ako habang dahan-dahang umupo sa kama. Hindi pa rin talaga ako makapaniwala sa nakita ko kanina. Nakakatayo si mama Thelma? Wala na ba siyang sakit? O magaling na ba siya? Napasabunot ako sa aking sarili. Sumasakit tuloy ang ulo ko sa kakaisip. Iniisip ko pa kung sasabihin ko ba ang nakita ko kay William. Baka naman namamalikmata ang ako. Bahala na nga! Humiga ako sa kama na magulo ang aking isip. Hindi rin kasi mapakali ang nararamdaman ko. Idagdag pa ang pagtatalo nila kanina ni papa Willie. Parang may lihim silang dalawa. Mabuti na lang talaga at nakaalis ako agad bago pa ako makita ni papa Willie. Nabingi pa ako sa pagbagsak niya ng pinto kanina. Matindi marahil ang pag-aaway nila. Ano naman kaya ang plano na 'yon? Nasa malalim akong pag-iisip nang bumukas ang pinto ng ami

