DALAWA kaming nagbantay ni William kay mama Thelma. Simula kanina ay hindi siya nagsasalita. Halata sa mukha niya ang pag-aalala para sa kanyang ina. Maging ako ay nag-aalala rin. Hindi na iba sa akin si mama. Mas naramdaman ko pa nga ang pagiging ina niya sa akin kaysa kay nanay na tunay kong ina. Nakaupo ako dito sa sofa habang pinagmamasdan ko si William na nakatitig kay mama na mahimbing pa rin na natutulog. Ang sabi ng doktor kanina ay baka bukas na siya magising ulit. Wala siyang tinanong sa akin tungkol sa kahilingan ni Mama na apo. Hindi rin naman mawala iyon sa utak ko. Nagtatalo ang isip ko. Paano kung magka-anak kami at iwan na lang kami ni William dahil na-relaize niyang hindi naman niya ako mahal? Mas nakakaawa ang bata dahil lalaki siyang hindi buo ang kanyang pamilya. Paan

