"'TAY?" tawag ko sa kanya nang tuluyan na akong makalapit. Lumingon naman siya sa akin habang may nakasubo pang sigarilyo niya sa kanyang bibig. Hinithit niya muna iyon bago itinapon at binuga ang usok sa harap ko. Pinaypayan ko ang harap ko para mawala ang usok na papunta na sa akin. Napaismid ako dahil sa sama ng amoy niyon. "Mabuti naman at nakita kita. Nakaraang araw pa ako pabalik-balik dito, pero sabi ng matanda niyong katulong ay nagbakasyon raw kayo," panimula niya at bahagyang lumapit sa akin. Umatras naman ako ng kaunti. Hindi talaga ako komportable na nasa harap ko siya ngayon kahit pa sabihing tatay ko naman siya. May iba akong pakiramdam. Hinagod niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa. Nakaramdam tuloy ako ng kakaibang kilabot. "A-Ano po ang ginagawa mo dito?" kandautal ko

