Ilang metro pa lamang ang kanilang layo sa pamilihan ay naririnig na niya ang ingay niyon. Wala sa sariling napatingin siya sa isang nakatalikod na bundok ng mga bato sa tuwid na kalsadang kanilang binabaybay. Sa kanyang palagay ay hindi pa ito ang kalsada na papunta sa Oranta village. May kalaparan pa ito at mukhang kasya ang pinagsamang apat na sasakyan. Apat din ang lane nito na animo’y isang abala na kalsada. Samantalang isang oras na nila itong binabaybay at mga nasa limang sasakyan pa lang ang nakasalubong nila. ‘Sa tingin ko ay ’yan na ang pamilihan na sinasabi ni Nayma, Dane. Uhm . . . Nakaaamoy din ako ng mga bagong lutong pagkain.’ ‘Tama ka. Pero naaamoy mo ba kung mayroong panganib?’ ‘Wala naman. Wala ring kakaiba. Bakit? Kinakabahan ka ba?’ ‘Hindi naman. ’Wag mo na akong pa

