Nang nagsimula na silang pumasok sa makipot na kalsada ay alam na ni Dane na ilang metro na lang ay Oranta village na. Mas lumalakas din ang simoy ng hangin na nagbibigay sa kanya ng kakaibang pakiramdam. Wala sa sariling nilingon niya si Nayma. Sa kanilang buong biyahe ay tahimik lamang ito— silang lahat. Habang si Nana naman ay tahimik dahil tulala pa ring nakatingin sa kawalan. Kung ang ibang nasobrahan sa healing liquid ay nagiging energetic. Ito naman ay tiyak niyang kung saan-saan ng lupalop napadpad ang imagination. Hindi niya alam na tulad ng isang bata ay dapat iilang patak lang dapat ang ibinigay niya rito. “A-ate Dane . . . Ma-malapit na po tayo sa Village ko,” ani Nayma na hindi pa rin makatingin sa kanya. Nagpapasalamat na lang siya dahil nagsalita na rin ito sa wakas. Kahit

