CHAPTER 01- Unang pagtatagpo
Lovebele
“Bakit late ka besh?” sinalubong ako ng bestfriend kong si Analisa, sa pinto pa lang ng dressing room at hinila na ako papasok sa loob.
Buntonghininga ako hinilot ko ang noo ko. Nagtaka ang kaibigan ko ngunit hindi ko na inantay na tanungin ako kung anong problema ko. Sinabi ko na agad sa kaniya.
“Hinatid ko muna si Bebeng at Jaya sa inyo, besh. Buset ‘yang si Tiyang. Naabutan kong panagsasampal si Bebeng. Buti na lang nakalimutan ko iyong balisong ko na lagi ko dala-dala kapag ako'y papasok. Kaya bumalik ako sa bahay.”
“Kapal talaga niyang Tiyahin mo. Noon saleslasy ka pa. Inuubos hinihingi ang sahod mo nagtitiis ang dalawa mong kapatid na walang baon. At palaging hindi pinakakain,” gigil ang boses ng kaibigan ko kapag nababanggit ang Tiyahin ko.
“Kung hindi lang ako nagmamadali dahil papasok pa ako. Papatulan ko na iyon, besh. Sobra na siya pati si Jaya. Gusto n'yang ereto doon sa kilala niyang intsik. Kanina ko lang nalaman pinagbantaan ang kapatid ko na ‘wag sabihin sa ‘kin. Kanina lang umamin sa 'kin si Jaya, takot sa Tiya. Bukas magtutuos kami ni Tiyang.”
“Siya hayaan mo na lilipat na rin naman kayo sa sunod na araw sa ibang bahay," pagpapalakas loob ng bestfriend ko sa 'kin.
“Salamat besh ha? Kung hindi mo ako rito ipinasok hindi ako makaiipon ng malaki-laking pera.”
“Wala iyon. Ikaw kasi ayaw mo pa noon sabi ko naman sa'yo mabait si Mamasang. Kung ayaw mo pa takeout dito ka lang talaga sa loob ng club.”
“Oo nga besh, kaya sobra ang pasasalamat ko sa iyo.”
“Maliit na bagay. Sige na, bihis na. Kasi twenty minutes na lang sasalang ka na. At alam mo ba, besh? Bago matapos ang oras ko sa pagsayaw. May dumating na mga pogi,” sabi pa nito.
“Pogi kasi madatong ang bulsa?” ngisi ko sa kaniya.
“Hindi ah. Ngayon ay totoong pogi, beshsyup, makalaglag bikini,” sabi nito kumukutitap ang mata.
“Ows?” duda kong sabi.
“Oo nga. Naku baka maglaway ka ngayon, besh. Si Attorney Scott Miguel Stewart lang naman ang nand’yan,” sabi nito’t kinilig pa.
“Ah, okay,” sabi ko lang sa kaniya.
“Okay lang? Impossibleng hindi mo napanood ang interview noon sa RMTV. Diba nga may sigment sila ng ‘most influential bachelor in town’ at kasama si Attorney Scott sa in-inteview nila.”
“Kayo lang naman kinilig nila Jaya. Ako hindi ako kinilig. Isa pa ha? Bakit naligaw rito iyon. Diba nga may sarili silang bar na magkakaibigan?” tugon ko kay Analisa.
“Normal ka naman besh, diba? I mean hotdog ang gusto mo diba?” sabi nito sabay bungisngis.
“Gage, s'yempre jumbo hotdog ang type ko. Ngek ang liit noon, besh kung jumbo hotdog lang,” dugtong ko pa.
Bumungisngis kaming pareho.
“Gusto ko malaking cobra,” hagikhik ko pa tatawa ang kaibigan ko biniro ako sabunutan.
“Ako rin besh,” hagikhik din nito.
“Sige na kasi mag-aayos na ako. Malapit na lang oras ko, sibat na beshy.” Taboy ko sa kaniya.
“Okay, besh," matipid nitong sagot pagkatapos nag beso kami. “Mamaya na natin ipagpatuloy ang usapan sa cobra at Jumbo hotdog,” sabi ni Analisa bago ako tuluyang iwanan sa loob ng dressing room. Kasi sabay kami umuuwi ng madaling araw ni Analisa.
Pagkatapos kasi sumayaw p'wede na magpatable sa gusto pa manatili sa Elite disco. Gano'n ang ginagawa namin ni Analisa. Malaki rin kasi ang tip sayang. Sa loob ng limang buwan ko rito bilang dancer nasanay na akong mag-fake ng ngiti at tawa. Kahit wala naman nakakatawa. Para lang sakyan ang mga customer na nagpapalipas oras dito.
Sandali muna akong natulala bago ako kumilos. Nagsuot muna ako ng makapal kong nude stocking. Bago isuot ang red bikini na sinusuot namin kapag sumasayaw.
Kaya sadya ko ito makapal ang stocking ko. Kasi bukaka-bukaka kami susko ayaw ko makita ang pukengkeng ko. Tatlong patong ang ginagawa ko sa stocking bago ko isuot ang ternong red bikini. Iyon lang ang suot namin. Bilad na bilad ang aming katawan ngunit para sa ngalan ng salapi pikit mata kaming sumasayaw sa harapan ng mga manyakis na customer.
Sinunod ko ang make-up ko. Pagkatapos nagwisik ako ng pabango bumuntonghininga ako at malungkot na tumingin sa salamin.
Napakurap ako ng mayroong mainit na luha pumatak sa pisngi ko. Trabaho lang ito Lovebele. Kapag sapat na ipon ko magnenegosyo na lang ako.
Nasa likuran ako ng foil na kurtina ng tawagin na ng host ang pangalan ko.
‘Gentleman ang pinaka aantay ng lahat…” pabitin nitong sabi.
“Belle!”
Iyon ang hudyat upang lumabas ako sa likuran ng foil na kurtina at nag-umpisa akong dahan-dahan na sumayaw. Paunti-unti naging maharot na sayaw ang sayaw ko. Gigiling ako habang nang-aakit ang ngiti at titig sa mga manonood.
Hinanap ko ang sinabi ni Analisa na si Attorney Scott. May nakita akong mga guwapo. Baka iyon na nga. Tinandaan ko, number ten.
Mas giniling ko ang aking balakang ko. Nakatalikod nakausli ang aking puwetan. Mamaya humarap ako. Nakaawang ang labi ko. Nakahawak ako sa mayaman kong boobs at marahan iyon minamasahe kaya maraming nagsasabi ‘more’
Gusto ko samaan ng tingin ang mga manyak na nagsasabing ‘more’ tsk! Alam kaya ng mga asawa nitong mga lalaking manyak na pumapasok sa club at nanood sa mga sumasayaw na babae animo walang mga asawa.
Kawawa naman ang mga asawa ng mga ito. Hindi kuntento sa asawa at dito sa Elite club, nagpapalipas ng gabi at kapag may natipuhan pa. Mag-uuwi pa ng dancer.
“Belle akin ka na lang,” narinig kong may sumigaw ngunit kinindatan ko lang. Lalapit sa stage pasimple akong umatras habang sumasayaw upang hindi ako nito mahawakan.
Natuon ang atensyon ko sa lalaking nasa table ten. Kanina pa ako nito matiim ako pinagmamasdan. Kinindatan ko walang emosyon ang mata nito.
Kinantiyawan ito ng dalawang kasama. Narinig ko kahit malakas ang maharot na tugtugin.
“Attorney Scott ipauubaya na namin sa ‘yo iyan,” sabi ng dalawa nitong kasama.
Sino kaya ang kasama nito? Kasi sa interview nito binanggit nito ang mga best friend. Alam ko rin sinabi nito sa interview. Masaya ang married life ng mga bestfriend nito. Hindi siguro ito ang kasama niya.
Malapit na ang oras ng sayaw ko. Hanggang matapos ang sayaw ko. Kay attorney Scott ang tingin ko.
Woah, salamat tapos na rin. Bulong ko pagkatapos ng maharot na music sa dance number ko at patungo na ako sa dressing room.
Inuna ko alisin ang makapal kong makeup. Pagkatapos nagbihis ako. Napalingon ako ng nakangiting pumasok si Mamasang. Ayaw nito tawagin siya sa pangalan, basta ‘Mamasang’ lang daw ang itawag sa kaniya.
“May kailangan ka po Mamasang?” magalang kong tanong sa kaniya.
“Okay lang ba sa ‘yo na i-table ka sa VIP room noong nasa table number ten? Belle, two hundred thousand ang offer. Nangako naman gusto ka lang daw ma solo ngunit hindi raw siya magta-take-advantage sa iyo kung ayaw mo raw,"
“Ano po ang pangalan Mamasang?” tanong ko.
“Attorney Scott Miguel Stewart,”
Naniniguro si Mamasang kasi alam nitong ayaw kong magpa-table sa VIP room. Malaya ang customer doon na gawin kung anong gusto sa ‘kin. Bukod sa takeout. Mayroon din VIP room ang hindi ko kinukuha. Kahit na nga malaking offer ayaw ko.
Table number ten. Parang nage-echo sa aking pandinig. Tumikhim ako. Hindi masama. Pagkatapos nito. Pwede na ako magtayo ng maliit na negosyo. Guwapo rin naman si Attorney Scott Miguel Stewart.
“Sige po Mamasang payag po ako,” saad ko.
“Sure ka rito Belle?” tanong ni Mamasang. Natawa pa ako kasi nanlaki ang mata ni Mamasang.
“Opo. Malaki offer sayang po,” Sabi ko na lang na kinatitig niya. Ngumiti ako upang wala itong ibang isipin.