Lovebele
Kagat labi ako maingat na bumangon upang hindi magising si Scott sa mahimbing nitong tulog sa 'king tabi. Anong oras na kaya? Napabuga ako ng hangin sa bibig ko dahil ang sakit ng katawan ko kapag iginagalaw ko ang aking magkabilang hita. Tumingin ako sa wall clock. Ala-sais pa ng umaga. Kailangan kong tiisin ang sakit kung gusto kong makaalis ng hindi nagigising si Attorney Scott.
Kahit napapangiwi ako sa kirot ng katawan ko lalo na ang pukengkeng ko. Tiniis ko 'yon upang magtagumpay ako na makaalis sa penthouse ng binata.
Pagdating ko sa sala naalala ko ang bag ko. Paktay naiwan iyon doon sa locker ko sa Elite disco. Paano ako nito uuwi wala akong pamasahe. Bahala na kukuha na lang ako sa wallet ni Scott.
H'wag sana ito magising ayaw kong maabutan niya ako na nandito pa sa penthouse niya. Dahan-dahan akong bumalik. Kahit nahihirapan maglakad pinilit kong maging mabilis ang kilos.
Nakisama si Scott mahimbing pa rin ang tulog nito pagpasok ko sa kuwarto nito. Hinanap ko kung nasaan ang pants nito kasi basta lang namin itinapon kagabi sa pagmamadaling mahubad. Namula ang pisngi ko ng maalala ang mainit naming pinagsaluhan kagabi.
Susko lakas ng energy naming dalawa kagabi. Pero mas malakas si Scott, parang walang kapaguran at kasawaan. Hindi lang isang beses niya akong dinala sa langit. Tatlong beses akong inangkin kagabi ng binata.
Wala naman akong pagsisi ibinigay ko ang sarili sa kaniya. Gusto ko ito bonus na binayaran niya ako. Quits na kami nasarapan siya ako naman nagkaroon ng pera.
Nakita ko ang maong pants ni Scott sa baba ng malapit sa dashboard ng kama. Buong ingat akong humakbang upang lapitan ko ang maong pants ni Scott. Tiningnan ko sa likuran ng bulsa. Napangiti ako ng makapa ko ang wallet niya. Agad ko iyon hinugot pagkatapos binuklat ko iyon upang kumuha ng pera.
Natigilan pa ako ng mayroon akong makitang picture ng isang batang babae sa wallet niya. Kumunot ang noo ko. Parang anim na taon ang batang babae sa larawan. Hmp. Kapatid n'ya kaya ito?
Ah bakit ko naman ito ako pag aaksayahan ng panahon. Ang pakay ko ang kailangan kong isipin. Perang pamasahe Lovebele. H'wag ka ng makimarites. Lihim ko pinagalitan ang aking sarili. Kaya mabilis kong hinugot ang pera.
Limang daan lang ang kinuha ko at nag-iisa pa iyon kaya mabilis malaman ni Scott kapag tiningnan nito na mayroon nawawala. Kamalas-malasan naman bahala na.
Mayaman naman siya hindi nito ikahihirap ang five hundred pesos. Nagbayad nga ng two hundred thousand para sa VIP. Five hundred lang hahabulin pa niya. Ano na lng ang five hundred pesos.
Sinulyapan ko muna si Scott bago ulit dahan-dahan kumilos palabas ng k'warto.
Mabuti pagdating ko sa labas mayroon agad dumating na taxi kaya mabilis kong pinara.
"Kuya driver. M. Dela Cruz po ako," saad ko rito.
Sa loob na ako ng taxi mag-aayos. Napangiwi ako kasi sa totoo lang masakit ang pagkabab e ko. Pinilit ko lang talaga umalis ayaw kong maabutan ako ni Scott na gising ito. As if naman pag aaksayahan ako noon ng panahon na hanapin.
Basta ayaw ko lang humarap sa kaniya ngayon. May kailangan akong asikasuhin kaya uuwi na ako. Dapat nasa bahay na ako ng alas-siyete ng umaga. Walang pasok ang dalawa kong kapatid sakto lang. Aayusin namin ang lilipatan na apartment.
“Kuya driver dito na lang po ako,” saad ko sa kaniya ng makarating ako ng M. Dela Cruz. Masikip na kasi ang daan kaya hindi ko na sa kaniya pinapasok sa looban.
Pagkaabot ko sa kaniya ng bayad dere-diretso akong lumabas. Tinawag pa ako sa sukli raw.
“Keep the change Kuya,”
“Ang laki naman nito ma'am. Maraming salamat po,” anang labis pa ito natutuwa. Nakonsensya pa ako kasi hindi ko naman iyon pera. Tipid na lang akong ngumiti.
“Walang anuman po,” sagot kona lang sa kaniya binilisan ko ang lakad dahil marami ng tao sa daan.
Damit ko masyadong revealing. Tube white blouse at fit pa sa katawan ko at ang black miniskirt ko kapag tumawad ako makikita ang kuyukot ko. Though sanay na kami ni Analisa, sabihan na babaeng mababa ang lipad kasi kalat sa looban na dancer kami sa isang club hindi nga lang nila alam kung saang club iyon. Basta labas na lang sa kabilang tainga namin ng bestfriend ko kapag may marinig kami pangungutya dahil sa trabaho namin ni Analisa.
Papasok pa ako sa eskinita. Malayo pa lang rinig ko na ang boses ng kaibigan ko. Pisti si Tiyang iyong kaaway ni Analisa. Anong binubunganga nitong Tiyahin kong ubod sama ng ugali sumugod pa sa bahay nila Analisa.
“Hoy babaeng malandi! Sabihin mo sa kaibigan mo. Hindi sila pu-pwede lumipat ng hindi nagbabayad sa akin ng utang."
Biglang uminit ang anit ko. Kapag ganitong masakit ang pukaykay ko papatulan ko ito ngayon 'wag akong subukan ni Tiyag.
Matagal na akong nagtitiis dahil sa mga kapatid ko ngunit ngayon na kaya ko na ang sarili ko at kaya ko na rin buhayin ang dalawa kong kapatid. Magkakasubukan kami. Mahigit tatlong taon na kaming alila nito kung ituring parang hindi niya kadugo. Bawat isusubo naming kanin kailangan pagtrabahuan kapag hindi lagapak sa pisngi namin ng dalawa kong kapatid ang kapalit.
Mabilis akong naglakad upang makarating sa bahay ng bestfriend ko.
“Sobrang kapal mo talagang aling Balyena. Este aling Lena. Anong bayaran. Ikaw nga ang dapat ang magbayad sa bestfriend ko, dahil bahay iyon ng Tatay nila iyang bahay na tinitirahan mo.”
“Hoy pokpok! Anong bahay? FYI! Bago pa makulong at mamatay ang kapatid ko. Benenta niya na sa akin ang bahay. Alam mo kung saan ginamit? Dahil sa pang-apply niya na scam dahil tatanga-tanga siya."
“Ate,” nakita ako ni Bebeng at Jaya. Agad ang dalawa tumakbo papunta sa 'kin parehong umiiyak kaya nag-alala ako pareho ko silang niyakap.
Nakangiti ako pagkatapos ng ilang sandali kusa akong kumalas upang kumustahin kung okay lang sila pareho.
Natigilan ako ng makita ko si Jaya may bakas pa ng sampal sa pisngi nito kaya biglang kumulo ang dugo ko sa Tiyahin ko.
"Sinaktan ka ba ni Tiyang?!" malamig ang boses na tanong ko sa kapatid ko.
“Ate ‘wag mo ng patulan. Okay na ako hindi naman masakit eh. Alis na lang tayo rito malayo sa Tiyang Lena," pilit na nginitian ako ni Jaya.
Sinamaan ko ng tingin si Tiyang.
"Bakit ka niya sinaktan?!"
"Kasi Ate, pinipilit niya akong siputin iyong intsik. Kahit ngayon lang dahil daw nakakuha siya ng pera doon,"
"Bakit lumabas ka?" tanong ko sa kaniya napahilot ako sa noo ko.
"Kanina. Sorry ate. Bibili lang sana ako ng bondpaper kasi may project kami sa Mapeh. Nakaabang pala si Tiyang umaga pa sa labas ng bahay nila Ate Analisa. Ate alis na lang tayo rito. Nakakatakot na po ngayon si Tiyang," umiiyak na saad ni Jaya. Kaya ako'y napasinghap.
Binigyan ko ng nakamamatay na tingin ang Tiyang na hanggang ngayon nakatalikod pa rin sa amin dahil nagsasagutan pa sila ng bestfriend kong si Analisa.
“Oo Jaya. Lilipat na tayo bukas. Pero kakausapin ko ang may-ari kung p'wede na ngayon tayo lumipat. Konting linis lang p'wede na iyon bago naman iyon renovate," saad ko sa kapatid ko.
"Anong lilipat kayo? Bayaran mo muna ang utang ng Tatay mo sa 'kin!"
Pisti nasa harapan na pala namin si Tiyang Lena. Nanlilisik ang mata sa 'min tatlo at palitan kaming binigyan ng masama tingin.
"Walang utang si Tatay. Pwede ba Tiyang! Tantanan n'yo ako dahil marami ka ng kasalanan sa 'min lalo na rito sa dalawa kong kapatid."
"Aba mayabang na huh? Kahit anong gawin mo. Nagsasayaw ka pa rin sa club at nagpapatable sa mga matatandang manyakis."
Ngumisi ako. Taas noo kong tiningnan nilabanan siya ng titig.
"Pakialam mo!" matigas ang boses na sabi ko. "Tara na Jaya, Bebeng. Pasok na tayo sa bahay nila Analisa,"
"Saan ka pupuntang malandi ka ha!" galit na sigaw ni Tiyang Lena, hinila ang mahaba kong buhok at sinabunutan ako.
"Besh," lumapit si Analisa.
"Ipasok mo na ang dalawa besh, sa loob please. Kaya ko na ito," pakiusap ko sa bestfriend ko.
"Kaya mo na ba iyang Balyena na iyan?" tanong pa ng kaibigan ko ewan ko kung may halong pang-asar sa Tiyahin ko.
"Ate!" sumigaw ang dalawa kong kapatid. Sumenyas ako na okay lang ako sumama na sila, pumasok sa loob.
"Tiya Lena, bitiwan mo ang, Ate ko!" sumugod si Bebeng. Na-shocked ako dahil tinulak ni Tiya Lena, si Bebeng. Mali pa ang bagsak ng bunso kong kapatid patihaya at saktong bumagsak ito sa mayroon nakausli na bato tumama sa likuran ng ulo nito.
"Bebeng!" sigaw naming lahat.
Mabilis ang kilos ko. Ubod lakas kong sinampal si Tiya Lena at tinulak napalupagi ito sa semento pinagtawanan ng mga usyusero nandoon akala mo isang shooting mga naghihiyawan.
"Jaya tumawag ka ng tricycle dadalhin natin sa ospital si Bebeng." Utos ko sa Kapatid ko pareho kami umiiyak ni Jaya.
Kahit may kabigatan na si Bebeng dahil grade four na ito at siyam na taon na. Kinaya ko itong pangkuin. Ganito siguro kapag emergency. Kahit anong bigat ng isang bagay ay nagiging magaan maging maayos lang ang lahat.
"Besh, dali,"
Napatingin ako sa huminto tricycle. Si Analisa pala ang tumawag. Siya pala ang narinig ko mabilis na tumakbo palabas at hindi ko na ito napansin kanina dahil agad ko nilapitan si Bebeng na hawak ang dumudugong ulo.
Sumama rin si Analisa. Sa backride ito umupo sa likuran ng driver at kami ni Jaya sa loob umupo. Kinalong ko si Bebeng. Si Jaya naman palad nito ang nakatakip sa dumudugong ulo ni Bebeng upang mapigilan itong dumugo.
Tang-na! Ipagdasal ni Tiyang Lena na walang masamang mangyari sa kapatid ko. Babalikan ko siya kahit kamag-anak ko pa siya....
"Ate, 'wag ka na mag-alala. Walang masamang mangyayari sa akin. H'wag na kayo umiyak ni Ate Jaya. Kapag umiiyak kayo natatakot ako," saad ng kapatid ko kaya nakangiti akong umiiyak habang yakap ito.