"Siya ay isang matagumpay na business executive sa kanyang larangan," sabi ni Gloria, ang kasambahay, habang nagba-breakfast ako kinaumagahan.
Umalis si Ulises noong gabing iyon dahil may mga kailangang pa itong ayusin sa opisina. Hindi ko ito pinaniwalaan noong una hanggang sa magsimula si Gloria na magkwento tungkol sa kanyang amo.
"Laging busy sa trabaho ang amo namin. Kilala siya bilang isang workaholic at kadalasan kahit Linggo ng gabi ay nagtatrabaho pa rin."
Nilagyan ni Gloria ng green juice ang aking baso. Pareho kaming kumakain sa kusina dahil nakiusap akong samahang kumain dahil ayokong mapag-isa.
“Hindi ko akalain na ganoon ka-busy si Ulises," sabi ko, medyo nagulat. Tiningnan ko ang paligid at naisip ko na ang lahat ng yaman na nakikita ko ay hindi libreng nakuha. Nangangailangan ito ng malaking pagsisikap upang magkaroon ng ganitong uri ng buhay.
At least napatunayan kong hindi criminal na nagbebenta ng organs si Ulises. Isa itong matagumpay na workaholic business executive.
"Palagi siyang wala sa bahay. Sana, ngayon na nandito ka na ay mas magkaroon siya ng mas maraming oras dito at hindi na sa opisina.”
Sana nga. Hindi ko alam kung anong intensyon ni Ulises sa akin, ni kung ano ang ibig niyang sabihin tungkol sa "pagbili." Kailangan kong imbestigahan kung sino ang nagbenta sa akin sa kanya at bakit niya ginawa iyon sa akin. Mabait siya sa akin pero sa kabilang banda ay parehas din siya ng lahat na pinagsasalitaan ako ng hindi maganda dahil sa itsura at paraan ng pananamit ko.
Matapos ang almusal ay agad kong tinungo ang aking kwarto. Makalipas ang ilang oras at kahit pa nalibot ko na ang buong bahay ay hindi pa rin ako komportable. Hindi ito tama. Ni wala akong narinig na paliwanag mula kay Ulises. Ni hindi rin niya sinasagot ang mga message ko at nagsasawa na rin ako sa kawalan ng ginagawa.
Kaya naman, kinuha ko ang aking maliit na maleta, ang ginamit ko noong nagpunta ako sa Tagaytay, laman pa ang lahat ng gamit ko, ay isinuot ko ang aking black plastic glasses upang makakita nang maayos. Umalis ako sa bahay na iyon nang hindi nahahalata ng mga kasambahay. Ayoko nang manatili roon. Mabigat man sa pakiramdam, dala ang kaunting natitirang pera ay pumara ako ng taxi.
Matapos ang halos kalahating oras ay narating ko na ang aking apartment. Hindi ito kasing gara ng bahay ni Ulises pero doon ako komportable kahit na nga nakatirik ito sa isa sa pinadelikadong lugar ng lungsod. Tiningnan ko ang cellphone ko at wala pa rin siyang kahit isang reply sa akin. Iniwan niya ako sa ere.
Naghanda ako ng ham and cheese sandwich para sa hapunan. Suwerte nga at may nahalungkat pa akong pagkain dahil sa totoo ay gipit na gipit na ako. Muli na namang sumakit ang ulo ko sa kakaisip kung sino nga ba ang nagbenta sa akin sa isang negosyante na kagaya ni Ulises. Nagtataka tuloy ako kung nanghihinala na si Ulises sa nalalaman ko.
Hindi ko alam kung kailan ako nakatulog nang mahimbing. Bandang alas tres ng madaling araw ng magising ako dahil sa ingay mula sa pinto na animo’y binubuksan. Agad akong mapabalikwas ng bangon dahil sa lakas ng ingay. Inayos ko rin ang aking salamin.
"Ano'ng ginagawa mo rito?" Tumambad sa akin ang mukha ni Ulises, naggalawan ang panga nito dahil sa galit.
"P... paano mo nalaman na dito ako nakatira?" mahinang sabi ko.
“Big mistake, darling, you don't live here anymore." Hinila niya ang braso ko paalis sa kama.
"Hindi, ayokong umalis dito. Pakawalan mo nga ako." Tumutol ako. Sigurado rin akong mas malakas siya sa akin at walang silbi ang magprotesta.
"Pack your things," utos niya sa mga tauhan, "at ikaw, you have to know your place," madiing wika nito.
Hinila niya ako papunta sa sasakyan at dinala ako pabalik sa bahay niya. Kinaladkad din niya ako papasok sa kwarto kung saan ako natulog noong nakaraang gabi. Itinulak niya ako sa kama at binuksan ang ilaw para makita ko ang kanyang galit.
"Makinig kang mabuti, Penelope," bakas ang matinding galit sa mukha nito at anumang minute na lang ay susunggaban na niya ako, "ikaw ang asawa ko, ibig sabihin niyan, pag-aari kita. Huwag mong tangkaing umalis sa bahay na ito nang walang permiso ko, o subukang tumakas mula sa mga obligaston mo bilang asawa ko kagaya ng ginawa mo kanina. Ang tungkulin mo bilang asawa ay maghintay sa akin dito hanggang sa dumating ako, kahit pa aabutin ng isang daang taon bago ako makabalik."
Umakyat siya sa kama, umupo sa ibabaw ko. Hinawakan niya ang pulsuhan ko at inilagay sa posisyong wala akong magagawa. Galit ko siyang tiningnan at puno ng poot, at hindi ko ito kayang itago.
"Naintindihan mo ba?" tanong niya ng puno ng awtoridad.
Sinubukan kong kumawala mula sa kaniya pero wala akong magawa. Wala itong balak na pakawalan ako.
"Pakawalan mo ako, Ulises!" sigaw ko.
"Understand your role in this house! You're my wife, and you're here for what I say!" malakas na sigaw niya.
Naramdaman ko ang kawalan ng pag-asa sa mga oras na iyon at nagsimulang pumatak ang mga luha ko dahil wala akong magawa.
"Pababantayan kita ng 24-hours at hindi ka makakalabas dito maliban na lang kung sinabi ko. Kailangan mong matuto sa ganitong paraan, darling, ang ibig sabihin ng pagiging isang mabuting asawa." Ngumisi ito.
"Sinasaktan mo ako," pigil ang galit na wika ko upang huwag itong masigawan.
"Alam mo, Penelope, para magkaroon ng masayang pagsasama ay kailangan mo munang maging isang mabuting asawa at kailangan mong matutuhan iyon kahit pa sa pinakamahirap na paraan,” wika nito bago tumayo at ibinalibag ang pinto palabas ng kwarto.
Binalot ako ng takot at panibugho sa lahat ng nangyayari sa akin ngayon. Napakatanga ko dahil basta na lamang akong sumama sa kaniya tatlong araw pagkatapos naming magkita. Ano kaya ang mangyayari kung hindi ako sumama sa kaniya sa Tagaytay para magpakasal? Sa katunayan ay hindi naman nagkataon lamang ang lahat.
Mula nang gabing iyon ay hindi ko na madalas makita si Ulises. Umuuwi ito ng gabing-gabi na at umaalis para magtrabaho nang napakaaga. At kahit na gustong-gusto ko nang umalis sa apat na sulok ng kwartong iyon ay hindi ko magawa dahil pinagbabawalan ako ng mga tauhan niya.
Animo’y isa akong bilanggo sa bahay na ito.
Walang pinagbago ang mga ginagawa ko araw-araw. Gigising sa umaga, maliligo at pipili ng isa mula sa mga mahahabang palda ko na gawa sa dark-colored tailored fabric na paborito kong isuot. Isinuot ko ang mga salamin ko at bumaba sa walang buhay na hapagkainan na mayroong iisang pinggan na para lang sa akin at wala nang iba. Sa wakas, napagtanto ko na ang kasal pala ay hindi kasing-tamis at kasing-hiwaga tulad ng sinasabi nila.
Mas nakaramdam ako ng pag-iisa at dahil doon ay nagkaroon ako ng depression. Sa loob ng tatlong araw ay hindi ako bumangon sa kama, kumain, o ayusin ang aking sarili. Hindi ko maiwasang isipin ang mga panahon na tinangka kong tumakas ngunit bigo. Hanggang isang araw ay mas maagang umuwi si Ulises kaysa sa karaniwan. Pumasok siya sa aking kwarto at maluwang na binuksan ang pinto niyon.
"Anong ginagawa mo riyan, nagsasayang ng oras sa pagtulog lang? Sa tingin mo ba ay magiging masaya ang kasal natin dahil diyan sa ginagawa mo?” Nilapitan niya ako, lukot ang mukha at nababakas ang galit.
"Para namang nandito ka buong araw,”balewalang sagot ko sa kaniya.
"So gusto mong ipaalala ko sa iyong may asawa ka? Kung gusto mong magkaroon ng lugar dito sa bahay na ito, tulad ng sinabi ko, kailangan mong matutong maging isang mabuting asawa. Kaya mula ngayon, ikaw mismo ang mag-aasikaso sa akin, na dapat ay siyang ginagawa mo."
"May mga katulong ka naman kaya sila na lang ang mag-asikaso sa iyo," sagot ko nang walang pakialam.
"Hindi mo yata naiintindihan. Marami nga akong mga katulong pero ang obligasyon ng isang asawa ay alagaan ang kanyang asawa at iyon ang gagawin mo."
Tumalikod ito at malakas na ibinalibag pasara ang pinto.
Sumasakit na ang tiyan ko dahil sa gastritis dahil sa kawalan ng laman nito. At siya, tanga na nga yata ako. Kaya pagdating ng hapunan ay bumaba ako para ipaghain siya ng isang mangkok ng cereal at gatas. Hindi pa nga yata iyon umabot ng isang minuto at bumalik na ako sa kwarto at ini-lock iyon. Ngunit wala pang sampung minuto ng aking kapayaan nang padabog na binuksan ni Ulises ang pinto ng aking kwarto.
Itinapon nito ang mangkok na may lamang cereal sa paanan ng kama ko.
"Hindi mo yata naiintindihang mabuti, Penelope, at nauubos na ang pasensya ko sa iyo. Mukhang kailangan mong matuto sa santong dasalan o santong paspasan." Hinila nito ang braso ko paalis sa kama.
"Dapat lang iyon sa'yo, deserve mo iyon," sabi ko.
"We'll see if that's all I deserve. I always get what I want." Pilit akong kumakawala sa kaniya ngunit kahit anong gawin ko ay walang silbi, mas malakas pa rin siya keysa sa akin. Dinala niya ako sa kusina kung saan may naghihintay na chef doon.
"Teach her how to cook,” utos nito sa empleyado niya. Tumingin ito sa akin. "At ikaw, mas mabuti pang sundin mo ang lahat ng sinabi ko sa iyo ngayon dahil kung hindi ay wala ka nang ibang makikita kundi ang apat na sulok ng bahay na ito kung saan ka nakakulung nitong nakaraang tatlong araw.
Galit ko siyang tinapunan ng tingin. Alam kong tututuhanin niya ang mga sinabi kaya naman ay wala akong nagawa kundi ang ipagluto siya ng kaniyang hapunan habang pinapanood ako, ang mga braso ay nasa dibdib. Pilit kong nilunok ang galit ko at kalaunan ay ipinaghanda ng hapunan ngunit hindi ko siya sinabayan.
Potato soup at medium-rare na steak na may kasamang steamed vegetables ang inihain ko sa kaniya na siyang sinabi niya.
"Do you see that it’s not difficult to be a good wife?” wika nito habang nakangiti. Hindi ko siya sinagot. "Simula ngayon ay ikaw na ang magsisilbi ng lahat ng pangangailangan ko."
Nanahimik ako kahit na gustong-gusto ko siyang batuhin ng hawak kong sandok. Kailangan kong maging matalino ngayon. Kailangan kong makaalis doon kahit na hindi ko inaasahan na mauuwi ako sa kasalang ito. Puno ng pagmamalaking ngumiti siya sa akin.
"Pero napag-isip-isip ko na kailangan mo lang akong pagsilbihan at pwede ka nang umalis sa harapan. Para maintindihan mo ang ibig sabihin ng pagiging isang mabuting asawa at kung paano mo makakamit ang kaligayahan na nararapat para sa iyo.” Minura ko siya sa aking isipan. “At mas mabuti pang mag-shower ka na dahil hindi mo na nagagampanan ang mga tungkulin mo sa kama."
Walang hiya talaga ito at sana ay magka-diarhea siya. Nag-lock ako ng pinto ng kwarto ko nang hindi pa kumakain ulit. Kinikilabutan ako sa pag-iisip pa lamang na kailangan ko siyang makasama sa kama. Mukhang may hilig ito sa matatandang babae dahil nga ito ang tinatawag niya sa akin.
Mabuti na lamang ay naubos nito ang isang bote ng alak na iniwan ko sa mesa. Nang makalabas ako mula sa banyo ng kwarto ko at nakatapis ng tuwalya ang katawan para magbihis sa aking pajama ay naabutan ko siyang naghihilik at mahimbing na natutulog sa aking kama.
Alam kong hindi ako magiging maswerte sa lahat ng oras at kailangan kong mag-isip ng solusyon para sa problema kong ito at makatakas dito. Tinanggal ko ang kasuotan niya para kapag magising ito ay aakalain nitong may naganap sa aming dalawa. Pagkatapos ay natulog ako sa guest room.
Matagal na hindi ko nakita si Ulises pero nag-iiwan ito ng listahan ng mga dapat kong gawain at schedule na kailangan kong sundin ayon sa kanyang mga pangangailangan. Kailangan ko itong gawin upang mailayo siya sa pag-iisip na ikama ako hangga't maaari. At ikinagulat ko dahil pagkaraan ng halos isang lingo ay binigyan niya ako ng isang diamond necklace bilang regalo na dinala niya mismo sa aking kwarto. Ito ay bilang reward ko sa pagiging isang mabuting asawa.
Napagtanto kong gusto niyang takpan ang kanyang mga pagkukulang gamit ang kaniyang pera… at doon isang plano ang pumasok sa isip ko.