Chapter 5 The Face of Ulises

1424 Words
Penelope Nakalimutan ko na ang mukha ni Ulises sa paglipas ng panahon. Matapos akong pilit na gawin ang mga gawaing bahay, sa kabila ng kanyang mga empleyadong handang magsilbi sa kanya, natagpuan ko ang konting kapayapaan sa pagsunod sa kanyang mga utos. Tuwing umaga, gigising ako ng alas sais para maghanda ng agahan para sa kanya. Pagkatapos ay iiwan ko ito sa mesa kasama ang menu na iniutos ko kay Gloria, ang kasambahay niya, na ibigay sa akin linggo-linggo. Kailangan kong tingnang mabuti ang mga pagkain niya dahil sa strict diet niya. Kadalasan ko ngang makita ang pagkaing inihanda ko sa basurahan dahil bihira rin naman itong kumain. Nakatira ako sa bahay na iyon pero dahil mas marami ang oras na ginugugol ni Ulises sa trabaho ay hindi ko na siya nakikita pa nitong mga nakalipas na araw. Ni wala nga rin akong makitang kahit isang litrato niya. Tuluyan na rin akong nakulong sa pamamahay na iyon at nahiwalay sa kaganapan sa mundo. Ang tanging nagagawa ko lang ay ang maghanda ng pagkain para sa kanya. Makalipas ang dalawang linggo, isang hapon ay nagpakita na si Ulises sa bahay na iyon. "Penelope! Penelope!" Narinig kong sigaw niya. Nag-iwan ako ng pagkain sa kaniya at wala akong balak puntahan siya sa tuwing tatawagin niya ako na parang aso. "Damn it, Penelope, come here!" Hindi ko siya pinansin. Dapat ay lubayan na niya ako pero bigla na lamang bumukas nag pinto ng aking kwarto. "I was about to leave you some sapphire and emerald earrings, but it seems you haven't fulfilled all your duties," nakangitngit na wika nito sa akin. "Kung hindi mo malabhan ang damit ko ay kalimutan mo ang reward na ibibigay ko." "As you wish, darling," matamis na wika ko sa kaniya. Ang tanga nito. Humugot ako ng malalim na hininga habang pinipigilan ang matinding galit na tuhurin siya at tumakbo palayo roon pero hindi ito magiging madali. Kailangan kong maging matalino at dahil doon ay kailangan kong sundin ang mga plano ko. Ang makaipon ng maraming alahas para maipamukha sa kaniya ang nararapat sa kaniya. Itinuon ko ang lahat ng atensiyon ko sa kaniya. Nililinis ko ang kanyang kwarto, inaayos ang mga damit at ipinaghahanda siya ng pagkain na eksaktong-eksakto sa kagusthan niya. Bilang kapalit sa pagiging isang "mabuting asawa," paminsan-minsan ay nag-iiwan ito ng mga bulaklak at mga sugar-free chocolate bilang reward sa mga ginagawa ko. Gayunpaman, mas inaabangan ko ang araw ng Linggo. Tuwing Linggo, binibigyan niya ako ng isang sulat na nagsasabing malayo pa ang tatahakin ko para maging isang mabuting asawa pero binibigyan niya ako ng mga mamahaling bato at alahas bilang incentive sa lahat ng pagsisikap na ginagawa ko. Pero hindi natutumbasan ng mga alahas ang kalungkutan ko sa pagnanais na makalabas at makita ang sikat ng araw sa labas ng nakapalaking bahay na iyon na animo’y isang gintong hawala para sa akin. Pero kahit ganoon pa man ay hindi pa rin ako nawawalan ng pag-asang makaalis sa bahay na iyon. "Gusto ko sanang lumabas," sabi ko isang araw kay Gloria habang kumakain kami sa kusina. Ayokong kumaing mag-isa sa dining room o mag-risk na makitang dumating si Ulises at makita akong naroroon at hilinging magsiping kaming dalawa. "Ma’am, alam mong hindi ka namin pwedeng payagang lumabas. Kapag nalaman ng amo naming pinayagan ka naming ay baka mawalan kami ng trabaho.,” wika ni Gloria na siyang pinagkakatiwalaan ko sa bahay na iyon. "Sige na, Gloria, gusto ko lang sanang lumabas kahit saglit lang. Mula nang dumating ako sa bahay na ito ilang buwan na ang nakakaraan ay wala na akong ibang nakikita kundi ang apat na sulok ng bahay na ito habang tinatrato niya akong bilang isang katulong imbes na asawa. Pangako, hindi ako lalayo," sabi ko. "Mamayang gabi ang balik ni Sir Ulises," wika ni Gloria at uminom ng tubig. "Sige, pero isang oras lang. Saan mo ba gustong pumunta?" Isang oras ang lumipas at naroon na kami sa pinakamalapit na mall mula sa bahay. Ang una kong pinuntahan ay ang mga alahas na nakahiligan ko habang nakakulong ako roon. Kalaunan ay ibinili ako ni Gloria ng ilang libro tungkol sa mga uri ng alahas, mga disenyo nito, at ang mga pinakasikat na alahas sa buong kasaysayan. Bumalik kami sa bahay isang oras ang nakalipas at labis akong nagpapasalamat kay Gloria kahit na delikado ang pagpayag niyang ilabas ako sa lunggang kinabibilangguan ko. Batid ko rin na kahit hindi ako lumalabas ay hindi rin pala nagbago ang mundo. "Salamat sa pag-take ng risk para sa akin, Gloria," pasasalamat ko sa kanya bago magtrabaho sa kusina para maghanda ng hapunan para kay Ulises. "Secret lang natin iyon." Pagkatapos kong maghanda ng hapunan, muli akong nagkulong sa aking kwarto at nagsimulang basahin ang mga libro ko. Nalaman ko ang mga pangalan ng mga mamahaling bato at nagsimula akong mag-imbestiga pa tungkol dito, natututo kung paano matutukoy ang mga pekeng bato at ang mga tunay. Sa mga alahas na naipon ko nitong mga nakaraang linggo, nagsimula akong magpraktis. Tinulungan ako ni Gloria na makakuha ng mga kagamitan sa paggawa ng mga alahas. Habang lumilipas ang mga araw, nagdesisyon akong mag-iwan ng note kay Ulises sa kanyang kwarto na humihingi sa kanya ng isang one-carat serendibite ring, isang bihirang mamahaling bato na itinuturing na isa sa pinakamahal sa buong mundo. Nang sumunod na Linggo ay iniwan niya ito bilang gantimpala ko sa paglilinis ng lahat ng mga sapatos niya. Nang inspeksyunin ko ito ay napatunayan kong tunay nga ito base na rin sa mga natutunan ko. Doon na rin ako nagsimulang humingi sa kanya ng ilang mga libro tungkol sa heolohiya at iba pang bagay na may kinalaman sa mga alahas. Unti-unting naglaho ang mukha ni Ulises sa aking isipan at napalitan ng mga imahe ng mga alahas na hinihiling ko sa kanya upang kolektahin. Matagal ko nang hindi siya nakikita. Natutunan ko na ring makisama sa kanya na sa tuwing hihilingin niyang gawin ko ang mga tungkulin ko bilang asawa, nilalagyan ko ng laxatives ang pagkain niya o isang bote ng alak dahil madalas kong makita na hindi ito tumitigil sa pag-inom ng alak hangga't hindi ito inaantok, at saka ko siya huhubaran para akalain niyang nagsiping kami. Pagkatapos ng isang araw na paglalaba at pamamalantsa ng kanyang mga damit, nagdesisyon akong maagang maghanda ng hapunan at magbabad sa bathtub habang binabasa ang tungkol sa pagpapakinis ng mga alahas at ang mga proseso ng paghahanap nito. Nang tumunog ang aking telepono nakita ko ang pangalan ni Ulises. Ito ang unang tawag ni Ulises sa akin matapos ang anim na buwan na hindi pagkakaroon ng kahit anong komunikasyon maliban sa mga mensahe na iniiwan niya sa kwarto nito kasama ang mga alahas na hinihiling ko tuwing Linggo. "Nasa bahay ka?" agad niyang tanong nang hindi man lang bumabati. "Saan pa ba ako pupunta?" tanong ko. Maliwanag naman na hindi ako pwedeng lumabas ng walang permiso. Pinutol agad nito ang tawag at wala pang limang minuto ay bigla na lamang nitong binuksan ang pinto ng banyo. Hinila niya ang braso ko paalis sa tub at ibinato ang tuwalya sa akin habang nakatingin sa may bintana. “Magpatuyo ka na at magbihis ng kung ano dahil aalis tayo ngayon," utos ni Ulises. Dali-dali kong tinuyo ang basang katawan ko dahil hindi ko mabasa kung ano ang nasa isip niya at nagsisimula na akong kabahan sa reaksiyon niya. Ngayon ko lang nakita si Ulises na ganoon kadesperadong umalis. "Anong nangyayari?" Nagmamadali akong magsuot ng underwear at ang unang damit na nakita ko ay isang floral na set at puting sneakers. "Penelope, kailangan nating umalis ngayon na." Minamadali ako ni Ulises. Lumabas ako ng banyo upang kunin ang isang bag at ang mga alahas na naipon ko. Isinuksok ko ang mga ito sa bag at isinabit ko sa balikat ko. Itinulak niya ako palabas ng pinto. Halos patakbo kaming bumababa ng hallway diretso sa foyer, kung saan nakaandar na ang sasakyan niya. Hindi ko maintindihan ang nangyayari. "Sumakay ka," utos niya habang tumatakbo papunta sa driver's side. Agad ko siyang sinunod. "Puwede mo bang sabihin sa akin kung saan tayo pupunta at bakit nagmamadali tayo ng ganito?" tanong ko habang nahihirapan sa pag-kabit ng seatbelt dahil sa panginginig ng aking mga kamay. "Kung gusto mo pang mabuhay, kailangan na nating umalis dito. May sumusunod sa atin at hindi na ligtas ang bahay na ito para sa ating dalawa." Nang gabing iyon ay palihim kaming umalis ni Ulises para sa kaligtasan ng aming buhay at wala akong kalam-alam kung ano ba talaga ang nangyayari.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD