PENÉLOPE
Tumatakas kami ng hatinggabi.
Wala na sa ayos ang aking itim na salamin dahil sa kakatakbo habang hawak-hawak ni Ulises ang kamay ko para hindi ako mawala. Pagod na pagod na ako habang tumatakbo kami sa mataong lugar papasok sa loob ng siyudad habang pilit na inililigaw ang mga taong walang patid na humahabol sa amin tatlong araw na ang nakakalipas.
Nahihirapan na akong huminga dahil sa kakatakbo sa loob ng halos kalahating oras na.
"Ulises," bulong ko habang hinahabol ko ang hininga ko.
"Ulises, kailangan ko munang huminto, wala na ring sumusunod sa atin..."
Pero patuloy pa rin niya akong humihila kahit panay na ang reklamo ko sa kaniya. Iniwan namin ang sasakyan niya sa kalagitnaan nang mapagtanto naming sinadyang banggain iyon ng isa pang sasakyan.
Habang tumatakbo, puno ng pagkabahala ang isip ko dahil hindi ko alam kung ano ang mangyayari sa akin habang kasama siya. Patuloy ang paglalakad ng mga tao paalis sa fiesta at nababakas ang mga ngiti sa mga mukha ng mga ito habang ang ilan ay masayang nakikipag-usap sa kabila ng maingay na ugong ng mga sasakyan.
"We can't stop, Penelope. If we stop now, things could go very wrong," sagot niya habang hinahabol din ang paghinga.
Nagpatuloy kami sa pagtakbo habang iniiwasan ang mga tao sa buong lugar.
Sawang-sawa na ako sa walang kapagurang pagtakbo ng hindi ko alam kung ano ba talaga ang dahilan. Tatlong araw na akong tumatakbo kasama siya, nagtatago mula sa mga taong hindi ko kilala. Bakit ba niya ako isinasama sa sitwasyong ito?
Huminto ako sa gitna ng madla, pinipilit na kumawala mula sa pagkakahawak niya sa aking braso. Patuloy ang paglalakad ng mga tao sa paligid namin at wala man lang nakakapansin sa amin.
"I'll be damned if I go with you unless you tell me right now what's going on. Last time I remember, naliligo lamang ako at tatlong araw na mula nang basta mo na lang ako kaladkarin palabas ng bahay, bahay na hindi ako pwedeng lumabas.” Pagod na ako sa nangyayari sa aming dalawa.
"Stop the nonsense and come with me now.” Muli niya akong hinila pero napaatras ako. "Penelope, para sa pagmamahal na pinangako natin sa Tagaytay, kailangan mong sumama sa akin. Ipapaliwanag ko ang lahat sa iyo kapag may pagkakataon, pero hindi ito ang tamang lugar at oras."
Pilit nitong kinokontrol ang sarili dahil hindi ito pwedeng gumawa ng eksena roon dahil baka umagaw ito ng atensiyon.
"Hindi ko rin alam kung bakit nila ako sinusundan," tinitigan ko siya nang may pagdududa dahil sa hindi kapani-paniwalang sagot niya sa akin. “Nagsasabi ako ng totoo. Hindi ko alam kung anong nangyayari pero alam ko na magiging delikado ang buhay mo kung iiwan kita sa bahay."
Saglit ko siyang tinitigan. Hindi ko naiwasang hanapin ang lalaking minahal ko sa loob ng tatlong araw na iyon ngunit ang tanging nakikita ko lamang ay ang isang lalaking nais lamang makatakas.
"Hinahanap na tayo. Kailangan na nating magpatuloy," sabi niya.
Lumingon ako at nakita ang dalawang lalaking nakaitim na naghahanap sa amin. Ipinagpatuloy namin ang pagtakbo. Muli niyang kinuha ang kamay ko at iginiya ako sa kung saan.
Sa loob ng tatlong araw na iyon, tumigil siya sa paghiling sa mga walang kwentang bagay na madalas niyang hilingin sa akin. Batid kong malalim ang iniisip niya at madalas uminom ng alak o magyosi sa kalagitnaan ng gabi sa tuwing hindi ito makatulog. Lagi itong bad mood at ni hindi nga ako pinapansin habang nagtatago o tumatakbo kami.
Matapos ang dalawampung minutong pagtatakbo ay narating namin ang isang hilera ng mga eskinita. Kumatok si Ulises sa isang pintuan sa may dulo ng eskinita. Agad na bumukas ang pinto at basta na lamang akong itinulak sa loob.
Pakiramdam ko'y kawalang modo ang pumasok doon pero wala akong magawa dahil may dalawang taong humahabol sa amin.
"Dala mo ba ang sinabi ko sa iyo?" tanong ni Ulises sa lalaking nagbukas ng pinto.
Tumango ang matangkad na lalaki, halos dalawang metro ang taas nito, habang nakakunot ang noo. Umalis ito at iniwan kami sa isang madilim na silid. Tahimik lamang kaming nakatayo roon na ang tanging naririnig ay ang mga ingay mula sa labas ng kalsada dahil sa fiesta. Naririnig ko ang mga yapak ng estrangherong umalis at kung paano lumangitngit ang sahig na kahoy dahil sa kanyang bigat.
Naupo na lamang ako sa luma at kupas na sofa dahil na rin sa sobrang pagod mula sa tatlong araw na pagtatakbo. Ni hindi ko na maisip pang magbihis o maligo man lang. Amoy na amoy ko na ang aking sarili. At hindi ko na rin namalayan kung kailan pumikit ang aking mga mata dahil sa pagod at basta na lamang nakatulog.
"...kailangan mong gawin ito." Narinig ko ang boses ng malaking lalaki habang pilit kong binubuksan ang aking mga mata.
"Hindi ako naniniwalang ang lahat ng ito ay dahil lamang sa misunderstanding.” Narinig ko si Ulises na nagsasalita, nakaupo sa isang lumang lamesa.
"Sa tingin ko, ito na ang pinakamainam kaya pumayag ka na," pamimilit ng malaking lalaki. Dahan-dahan akong umupo. Halos tatlong oras din akong nakatulog base na rin sa orasan na nakasabit sa pader. "Gising na siya."
Tumayo ang estranghero at pumasok sa ibang silid habang si Ulises ay nakatalikod pa rin sa akin at ni wala siyang sinasabi. Sa ibabaw ng mesa, may isang nakasarang maleta.
Tanging ang tunog mula sa orasan lamang ang naririnig hanggang sa marinig na ang nagmamadaling yabag ng lalaking pabalik.
"Ulises, malapit na sila, kailangan mo nang magdesisyon ngayon din," kinakabang wika nito. At sa sandaling iyon, alam ko na kailangan ko na naman tumakbo.
Tumayo si Ulises at kinuha ang maleta at lumapit sa akin. Mas naging seryoso na ito keysa sa dati.
""Take this briefcase and flee to Paris," sabi niya sabay abot ng maleta sa aking kamay.
"Eh, ikaw?" tanong ko, malakas ang kabog ng aking dibdib.
"Susunod ako sa iyo. Bigyan mo lang ako ng ilang araw para makasunod sa iyo. Ngayon, kailangan mong tumakas nang mabilis dahil ikaw ang nagbibigay sa akin ng lakas," Inabot nito ang isang crumpled na papel na may mga detalye. "Pumunta ka sa Hotel De Crillon at doon ka manatili hanggang makabalik ako. Kung kailangan mo ng tulong, tawagan mo ang taong ito pagkarating mo ng Paris at sabihin mong galing ito sa akin. Tutulungan ka niyang makahanap ng trabaho, pansamantalang tirahan, anuman ang kailangan mo."
"Ulises, kailangan na natin umalis ngayon na," sabi ng malaking lalaki habang tinitingnan kami mula sa bintana.
"Putanginang, Luis," pagmumura niya. "Dadalhin kita sa kalsada at sumakay ka ng taxi diretso papuntang airport." Tinulak niya ako palabas sa likurang pinto papunta sa ibang kalye.
Nagmadali kaming tumakbo patungo sa kalsada. Hindi ko pa rin lubos na maintindihan kung ano ba talaga ang nangyayari.
"At anong gagawin ko sa Paris?" tanong ko.
"Putangina, Penelope, ikaw na bahala kung ano ang gagawin mo. Doon mas safe ka. May naghihintay na tao sa iyo sa airport, may passport ka na. Magkikita tayo pagkatapos ng ilang araw."
Tumawag ng taxi si Ulises. Agad akong sumakay at isinara niya ang pinto bago iniutos sa driver na dalhin ako sa airport.
Lagi ko nang pinangarap na makapunta sa Paris pero dahil sa mga pangyayaring kinasusuungan ko ngayon na siyang dahilan ng aking pag-alis ay tila hindi kaaya-aya ang lugar na iyon. Hindi na ito ang lungsod na puno ng pag-ibig na kagaya ng sinasabi ng lahat.