Penelope "Gusto ko nang umalis ng dito sa Paris," sabi ko kay Camille isang araw. Determinado na akong umalis sa natatanging lugar na pwede akong matagpuan ni Ulises upang maghanap ng mga sagot tungkol sa pagbebenta sa akin. Hindi na rin ako makakakuha ng sagot kahit na kasama ko pa si Ulises. "Bakit bigla yatang nagbago ang isip mo?" tanong ni Camille habang tinitingnan ang sarili sa salamin, nag-aayos para sa isa sa mga pagtitipon na madalas nitong pinupuntahan kada linggo. “Tatlong buwan na ang nakakalipas at wala na akong narinig na kahit anong balita mula kay Ulises, kahit alam niya kung nasaan ako. Hindi ko na siya hihintayin pa.” Naglalagay pa rin ng lipstick si Camille habang patuloy na tinitingnan ang salamin. Pagkatapos ay lumingon siya sa akin nang may “walang pakialam” na

