ULISES Oh, crap! Sumabog na ang lahat! Tang*na! Tang*na! Ano na ang gagawin ko ngayon? Delikado na ang lagay ko ngayon lalo na at may nakapulang diyablong dumating na kahit si Satanas ay maglalaway. Hilong-hilo ang pakiramdaman ko ngayon na animo’y pinaglalaruan na parang yoyo. Kinakapos din ang hinina ko habang pinapanood ang eksena sa harapan ko. Walang hiyang mga soap opera na iyan. Hindi ako kasali roon ngunit pakiramdam ko ay naroroon ako. “Ulises, anong pinagsasabi mo?” wika ni Minerva na nasa tabi ko. “Kung ano ang narinig mo,” sagot ko. Tiningnan ko ang kasintahan ko na nanunubig na ang mga mata at malapit nang umiyak. “It’s Penelope, my… wife.” Pinilit kong itago ang salitang wife pero napalakas niyon kaya imposibleng hindi marinig. Nakikita ko nang magugulo na ang buh

