PENELOPE Ano ang katotohanan at ano ang kasinungaling sa mga oras na iyon? Ano ang dapat paniwalaan o ano ang totoong nangyari? Ang katotohanan ba ay subjective sa mga oras na iyon? Sa mga oras na iyon ay wala akong maintindihan. Lahat kami ay pigil ang paghinga dahil sa mga narinig na mga salita ni Ulises. “Patay” iyon lamang ang salitang naririnig ko sa aking isipan. Nakakabingi ang katahimikan at ang hirap huminga dahil na rin sa tensiyong bumabalot sa paligid. Wala akong maintindihan. “Anong pinagsasabi mo?” tanong ko at hindi nawawala ang composure. “Ang sabi ko, akala ko ay patay ka na. Akala ko nawala ka na sa akin tatlong taon na ang nakalilipas.” Naglakad si Ulises patungo sa akin nang hindi nawawala ang tingin sa akin. Ang ilang mga bisitang naroon ay napatakip na lamang

