Hindi ko na kinaya kanina kaya niyaya ko na si kuya na umuwi na kami. Pinakilala nito sa akin ang babae na kasama ni Silver at halatang may gusto ito dito dahil kung makasabi ito na kasama nito si kuya na mamasyal ay wagas at tila pinagmamalaki pa. Gustong umikot ang mga mata ko dahil sa kaartehan nitong mag-salita kaya inaya ko na si Kuya Red na uuwi na kami. Hindi ko tinignan si Silver dahil wala itong imik hindi man lang nagpaliwanag kaya lalo akong nainis. Hinatid ako ni Kuya Red sa apartment ko at nag-alala ito na wala akong kasama dahil umuwi saglit si manang. "Okay na ako kuya hindi naman ako mapapahamak dito." Sabi ko sa kanya kaya natango na lang siya. "Basta naka-lock ang pinto at bintana ay panatag na ako call me when you had problem okay." Sabi niya kaya yumakap na lang a

