Hindi ko alam kung paano ako nakauwi dahil wala ako sa sarili ko at pagdating ko sa apartment ko ay nasa labas si Kuya Red. “Princess i am so sorry.“ Bungad niya saka ako niyakap ng mahigpit kaya napaitak na naman ako at binaon ko lang ang mukha ko sa dibdib niya. Binigay niya sa akin ang gamit ko at pinaalis ko na ito dahil gusto ko munang mapag-isa, hinayaan na lang niya ako at sinabihan ako na tatawag siya kaya tumango lang ako. Ilang beses akong tinatawagan ni Kuya Red pero hindi ko ito sinasagot dahil ayaw ko muna ng kausap. Parang masama na ako sa paningin nila kaya pinatay ko na lang ang cellphone ko at nag-aral. Kinabukasan ay maaga akong gumising para maglakad dahil maganda ang panahon kaya mag-wawalking muna ako. Mamaya pa naman ang pasok ko kaya gusto ko munang maglakad-l

