COLEEN BARETTO “Sa larong ito, kailangan niyong makumpleto ang hinihinging sagot sa aming katanungan... Tama ang narinig niyo—mga katanungan. Dahil jackpot round na ito, dapat lahat ng sagot niyo ay tama,” anang host. Napatango-tango lang ako habang nagsasalita siya. Si Jack naman ay mukhang kinabahan. Iba talaga ang mga matatalino kapag nasa sitwasyong ganito. Hinawakan ko ang kamay niya. “Kalma lang. Don’t forget to enjoy. Pero dahil maldita ako, gusto kong dagdagan pa ang problema mo, ipanalo mo ang jackpot, ha?” “Grabe ka! Mas kinabahan tuloy ako sa sinabi mo.” “Ano ang pinagbubulungan niyo riyan?” natatawang tanong ng host. “Kinakabahan kasi ang mahal ko... Kaya mas pinakaba ko pa. Ang sabi ko sa kanya, dapat panalunin mo ang jackpot round.” Nagtawanan naman ang lahat. Tama nga

