COLEEN BARETTO NAGSIMULA NA ANG laro sa game show kung saan isa kami sa mga guest players ng fiancé ko. Dahil patagisan iyon ng utak, kalmado lang ako sa tabi ng mahal ko. Hello? Unrecognized valedictorian kaya ang boyfriend ko. Kaya I’m sure, kaya niya ito! Kaya niya akong buhatin. At isa pa, kilala ko na rin naman ang mga loveteams na kasama namin. Alam kong katulad ko lang din sila, may magandang mukha lang. Pero hindi naman ako masyadong bobo na katulad ni Rhea. Ang sabi niya sa interview, she has three sisters daw at lahat iyon girls. Wow! “JaColeen! JaColeen! JaColeen!” sigaw ng mga tagahanga namin. “Wow! Sinakop ang buong studio ng fandom niyo. Ano ang masasabi niyo!?” tanong ng isang host. “JaColeen lang sakalam! I love you, guys!” sigaw ko. “Hello sa inyo,” bati ng mahal ko

