ANG AKALA ko no'ng una ay ang pag-ibig ay para lang sa mga matatanda. Ang kagaya kong teen-ager noon ay kailangan lang mag-aral o bumarkada. Pero hindi pala. Walang pinipiling edad, katayuan sa buhay o kasarian ang pag-ibig. Kapag talagang tinamaan ka, malala na. Napapikit ako nang dumapo ang malamig na simoy ng hangin sa mukha ko. Napangiti ako ng maramdaman ko ang pagpulupot ng mga braso sa bewang ko. "Babe.." "Hmm?" bahagya kong nilingon si Lance. Ipinatong niya ang baba sa kaliwang balikat ko, "Ito lang ang time na magagan'to kita. Lagi kasing nakaaligid si Tito Kris sa'tin." nakabusangot na saad niya. Bahagya akong natawa at sumandal sa kanya, "Alam mo naman na binibiro ka lang ni Daddy, 'di ba?" "Oo nga pero syempre as respeto, hindi ako gumagawa ng PDA.." aniya at hinigpitan

