"PUNTA MUNA tayong mall, Lj!" aya sa'kin nina Dianne, "Sabado naman na bukas!" "Kayo nalang.." saad ko habang naglalakad na papalabas ng building namin. "Kami kaya ayain niyo?" singit ni Thurs na nasa likod namin. Nasa likod ang mga buang. Marami na talagang nagbago dahil mas naging close pa namin sila pero lagi pa rin sila nagbabangayan. Mabuti nalang at hindi na kami sinasali ni Lance sa asaran nila. "Hindi kayo kausap. Hanggang dito lang, oh.." sabay gumawa ng line sa likod namin si Miyuki, "Dito lang ang usapan!" "Kayo nalang, gusto kong umuwi ng maaga.. tsaka, traffic mamaya kaya ayaw kong gabihin.." Hindi na kasi ako sinusundo ni Dada o na kahit sa mga Tito ko maliban nalang kung i-text ko sila. Ayaw pa sana nina Daddy and Mommy na mag-commute nalang ako anila ay delekado pero

