Mile's POV
“Walang hiya sila!” buong lakas na sigaw ni Bela.
Ang akala ko pa naman ay mas malakas ang sigaw ko kanina. Mas malakas pa ata ang sakanya, gusto kong humalakhak dahil sa gulat na gulat nilang reaksyon pero naalala ko nanaman ang napag-usapan namin.
Iwinaksi ko nalang yon sa isipan ko. I maybe mad, but the emotion I feel right now is still happiness. Hinawakan ko ang gintong insignia na naka pin sa kanang dibdib ko, inalala ko ang oras na inabot ito samin. Muntik kopa isipin na may nagawa akong masama kaya kami pinatawag.
FLASHBACK
“Maiiwan ko na kayo dito, gusto ko lang ipaalam sainyo na pinapatawag kayo ni Headmaster. Pumunta na kayo sa office nya,” sabi ni Pretty Nerd Girl na hindi ko alam ang pangalan at umalis na. Iniwan nya kami sa gitna ng hallway, na malapit na din sa office.
Headmaster? Teka, wala kaming natanggap na misyon ngayong araw, bakit nya kami ipapatawag? Hindi kaya...
“Hoy Bela! what did you do?” bigla kong tanong. Kumunot ang noo nya.
“What?” litong sabi nya.
“Alam nating wala tayong misyon ngayon, kaya bakit tayo pinapatawag?” nakapamewang ako at tinaasan sya ng kilay.
If a wizard gets called by Headmaster, it's either we have a mission to discuss or we did something wrong. Or maybe there's something else?
“Hey wala akong ginagawang masama baka ikaw?" tinaasan nya din ako ng kilay.
Hindi talaga nagpa-patalo. Napa-iling ako dahil muka kaming ewan sa gitna ng hallway na nag-aaway. Ang lakas ng boses namin at pinagtitinginan na kami. Tinatarayan lang sila ni Bela.
“Mas lalong wala akong ginawang masama,” sabi ko mabait ako eh.
“Pero hmm, that's weird. Bakit naman tayo pinapatawag?” takang tanong nya. Bakit ako tinatanong nito? eh hindi ko nga din alam, hay nako Bela.
Kidding a side.
“Tignan na nga lang natin kung anong meron at bakit tayo pinatawag,” tumango sya sa sinabi ko at sabay na naming tinahak ang daan papuntang office ni Headmaster.
Medyo nanlalamig ang mga kamay ko habang papalapit sa office. Baka Kasi kung ano na kaya kami pinatawag.
Nang naradating na kami, halos himatayin ako sa kaba.
Pero ang lakas ng loob ko ah, ako na mismo ang kumatok sa pinto.
Knock Knock
“Pasok," narinig naming sabi kaya pumasok na kami.
Nakita naming hinihilot ni Headmaster ang sintido nya. Halatang na iistress, naging kabado tuloy ako, sana naman hindi kami ang dahilan.
Pinatawag nga kayo Mile diba?
Hay nako!
Siniko ko si Bela para sya na ang unang mag salita. Ako na kumatok kanina, kaya sya na mag salita hehehe.
Sinamaan nya ako ng tingin pero nag-salita din naman sya.
“Headmaster pinatawag nyo daw po kami?" mahinang sabi ni Bela. Inangat ni Headmaster ang ulo nya para makita kami.
“Yes, take a seat you two.” Sabi nya kaya umupo kami sa sofa. Tumayo si Headmaster at umupo din sa kabilang sofa.
May kinuha syang parang pin. Nasulyapan ko na para itong ginto.
“Headmaster I'm innocent wag moko ipatapon sa mid forest, si Bela nalang,” pakiusap ko at pinagkiskis ang dalawang palad ko.
Binatukan ako ni Bela.
“Aray ko!” daing ko.
“Wala pang sinasabi si Headmaster at anong ako nalang?” sinamaan nya ko ng tingin. Hehe nag peace sign ako.
“Joke lang yun hehe,” mahina kong tawa. Kumunot ang noo ni Headmaster.
Kinakabahan kasi ako, ngayon lang kami napatawag ng hindi tungkol sa misyon eh.
“Bakit nyo po kami pinatawag?” tanong ni Bela.
“I have good news and bad news, anong gusto nyong unahin?” tanong ni Headmaster. Nako eto na nga ba sinabi ko.
“The Bad News/The Good News,” sabay naming sabi ni Bela. Napatingin sakin si Bela at napailing.
“Okay bad news nalang,” bawi ni Bela.
“The bad news here is... dinaya kayo sa leveling.” parang napintig ang tainga namin sa narinig.
“Kayong dalawa kasama si Stella. May nag lagyan ng spell sa pader para hindi masyadong mawasak habang kayo ang nakasalang. It's a defence spell, so the damage that it gets from your attacks are less.” dire-diretsong sabi ni Headmaster. Nagulat kami dahil dun.
As in gulat, nanlalaki ang mata at hindi makagalaw nahihirapan ang pusong pinipilit ay ikaw~
Ayy iba na pala yun.
Anyway dinaya? Spell? Packining tape! kaya pala naging ganon ang resulta. Of course nagtraining kami ni Bela para lumakas. Imposibleng yun lang ang level namin, kaya nakakunot ang noo ko nung nakita ko ang level ko, because I'm not convinced.
Jusmiyo marimar, dinaya pala kami.
“What? why on earth are they so triggered to us?” gigil na sabi ni Bela.
There she go, mahirap pa naman pag-magalit si Bela, she's like the second Kera. Mako kung sino man sila, matitikman nila ang bagsik ng isang Lumina.
Kidding, back to the topic.
“Mga hinampil!” inis kong bigkas. Syempre galit din ako.
Sonic boom is a hard magic for me, ilang linggo ko yun prinactice tapos ganon lang.
“Calm down girls, the good news is we know your actual level,” napatingin kami kay Headmaster.
Naka ngiti syang nakatingin samin, dahilan para mapatigil kami sa paga-alboroto. Ngayon namin malalaman ang tunay na level namin? Napakagat ako ng ibabang labi ko.
What will it be? Mas lalong kinabahan ako ngayon kesa kanina.
“Bela Megumi Lumina, your level is Level 43. Mile Laine Rondala, your level is Level 44. Congratulations you're now both S Class Wizards,” natulala akong nakatingin sa insignia na inilahad ni Headmaster sa harap namin. Eto yung nilabas nya kanina. Ang gintong pin! Kinuha namin yun.
Tulala parin kami at parang nawala sa isip namin na may nandaya samin.
Ibig sabihin S Class Wizards na kami?
O EM JI!
Totoo?
Hindi ako makapaniwalang S Class na kami oh my gosh!
At last! I think I'm gonna cry. Napatakip ako ng bibig ko. We've been waiting for so long just to be part of the S Class so we can join Kera and the others. Now it's finally here.
“Thank you so much!" hiyaw ko.
“My goodness thank you Headmaster," tuwang-tuwang sabi ni Bela habang may malawak na ngiti. Hindi din sya makapaniwala, we didn't expect this at all.
Umiling si Headmaster.
“No girls, don't thank me it's your hard work that made you two an S Class,” napatango kami sa sinabi nya.
Hindi maalis ang ngiti sa labi ko, parang wala atang makakasira ng mood ko ngayong araw nato.
“But one question Headmaster, sino ang nandaya samin?” biglang tanong ni Bela. Napatigil din ako sa pagtitig sa insignia ko, bumuntong hininga si Headmaster.
“It's Yuma and Megumi again,” pailing-iling na sabi nya.
At dun kami nag simulang mag-alboroto ulit.
END OF FLASHBACK
“Gosh sila nanaman," irap na sabi ni Kera halatang inis din.
Ako na nagkwento sakanila sa nangyare, si Bela kasi hindi pa tapos mag-alboroto.
Gusto nga sanang sugudin ni Bela sila Yuma kanina kaso pinigilan ko sya, kailangan humupa muna ang galit nya baka kung ano pa magawa nya kela Yuma. Sa huli napakiusapan ko naman si Bela, pero babalikan nya daw sila Yuma. Hindi lang kami ang dinaya nya muntik na si Stella. Buti nalang malakas si Stella, she's the Princess after all.
“Teka, kayong tatlo ni Stella ang dinaya, bakit hindi man lang bumaba ang level nya?” takang tanong ni Tob.
Yun din ang tanong namin nung una, pero naisip din namin na sya ang Prinsesa eh kayang-kaya nyang mapawalang bisa ang isang spell. Nasabi nadin samin ni Headmaster kung bakit naging ganon.
The spell didn't work on Stella. Her attack was so powerful that it made the spell vanish away with the light. The power of an Elemental Spirit Wizard is just unmeasurable.
“Malakas ang atakeng ginawa ni Stella kaya nawalan ng bisa ang spell,” sabat ni Blaise. Napatingin kami sakanya.
Ako dapat ang mag sa-sabi pero naunahan ako ni Blaise. Aba himala nag salita. Magpapa-misa naba ako?
Biro lang.
“How did you know?” tanong ko nalang. Ingat-ingat lang sa pagsasalita, bugnutin ang isang to eh.
Parang nakakain ng sama ng loob nung bata pa sya. Napa hawak ako sa bibig ko na parang sinabi ko yun ng malakas, nako buti nalang walang mind-reader sa grupong to.
Tatahimik na nga ako ayoko pang macremate.
“Naramdaman ko ding may kakaiba nang kayong tatlo ang nag leveling. But I'm not sure yet so I decided to know what happened,” sabi nya.
“How?” tanong ni Stella.
Well, Blaise has many ways to figure out something.
“May video na narerecord ang bawat sumasabak ng leveling. When I saw you three do the leveling I also saw violet dust, means someone cast a spell,” paliwanag nya.
Wow nakita nya, samantalang ako hindi ko yun nakikita. Sabagay tutok na tutok ang lahat sa pagpa-pakitang gilas. Sinong mag-iisip na may magca-cast pala ng spell? And the recording, of course. There's always a recording for every event, for security purposes. Lagi binabantayan ng nasa itaas ang bawat galaw ng mga Wizards.
Wizards are just like humans, walang gaanong pinagkaiba. They can play pranks, or cheat. Just like what happened after the leveling.
Those two are really gonna get punish for this. They made a lot of cheating, but this is just so overboard. Our levels is important to us, it's shows how strong we our. We rely on our levels.
“Violet dust, bakit hindi ko nakita yun?” tanong ni Kera.
“You won't see it unless you look closely, is not that visible" paliwanag nya. Infairness ang haba na ng nasabi nya ngayon ah.
“Oh, silly me. Of course, dust spells can disappear quickly.” napa-iling si Kera. Huminga sya ng malalim, nakayukom ang mga kamao nya.
Kera must be in deep rage right now so she can't think straight today. I told her to calm down, good thing she did. In the office, I was the only one who's calm, Bela is really angry. It's a relief that I managed to calm her down. She wants to attack the Hinji sisters.
We can't do that right now, knowing Bela she will surely choice a fight between them. And fighting is really not allowed inside magiaca academy. Pero ang lakas lang ng loob ng dalawang yun porket nakakalusot sila, why? Because their family is wealthy, and known here in Eterio.
They are also great students of magiaca academy. Only if they're not fooling around. Their grades are high, they do the activities well, they're talented.
Napa isip ako, ano bang mapapala nila Yuma sa pandadaya samin? They have everything already.
Except... being an S Class.
“Hey, by the way Congrats,” biglang Sabi ni Jack na may malawak na ngiti.
Sus makakasama lang nya si Bela eh kaya sya masaya, nako Jack.
“Oo nga pala, Congratulations!” bati naman ni Stella at niyakap kami. Ang higpit ng yakap nya saming dalawa, yumakap kami pabalik. Napa ngiti ako, sa sobrang seryoso namin kanina, nakalimutan naming may dahilan pa pala kami para maging masaya.
“I forgot that you two are S Class now, congrats,” sincere na sabi ni Blaise.
“Gosh this is great magka-kasama na tayong lahat,” masayang sabi ni Kera.
“Yeah welcome to the Team!” sigaw ni Ice. Nag pasabog pa sya ng snow.
Napatawa kami. Ang lamig tuloy sa loob.
“Welcome to S Class,” sabi naman ni Tob.
We've been waiting for this, the day all of us will be finally complete.
“We're now complete!” sigaw ni Kera at hinakbayan kami.
Ako dapat sisigaw non eh, pa-simple akong nag pout. Pinitik naman ni Ice ang labi ko, napansin nya pala yun. Masakit yung ginawa nya kaya sinuntok ko sya sa balikat. Hindi agad sya naka-palag. I'm fast, no one can beat my speed. Natawa nalang ako.
“I'm so happy,” dagdag nya pa. We are all happy!
“Yes naman. Isa na tayong team,” tuwang sabi ni Jack.
“We're always been a team, even if it took us so long to be complete.” sabat ni Mike at ngumiti sabay ayos ng salamin nya.
Tama si Mike, noon pa man isa na kaming team. Malayo man kami sa isat-isa, pagbalik namin kami parin magkakasama.
In the record, we are the strongest team right now. At ipagmamayabang ko talaga na kasama namin ang dalawang level 59 Wizards! Stella and Blaise, they just made a record in the book of magiaca academy. They deserve it.
I'm glad that we are all in the same class.