Stella's POV
Dahil martes ngayon, nandito kami nila Kera sa girls locker para mag-palit ng P.E uniform. Nakasuot na kami ng jogging pants na itim at blue blouse na may tatak ng M.A sa kaliwang dibdib. Sa lalaki ganon din pero gray ang t-shirt nila. Pinin din namin ang S Class insignia namin sa suot naming pang P.E.
Wala silang ID na ginagamit, tanging ang insignia lang ang sinusuot para makilala ka. Ginto na may malaking letter S ang samin, samantalang silver naman sa ibang Class, kahit pa pinaka low class ay silver din. Samin lang talaga ang nai-iba. Dapat din naming ingatan to dahil ito ang pinaka-importante sa lahat.
Tinali ko na ang buhok ko ng paponytail at nag-suot ng sports headband para hindi maging sagabal ang hibla ng buhok ko sakaling maglaro kami. Nang natapos na mag-ayos ay lumabas na kami at pumanik sa gymnasium.
Lahat ng Class at ibat-ibang level ng Wizards ay nandito, ganto daw lagi. Sabay-sabay ang P.E ng lahat ng Class.
Rinig ko ang ingay sa loob mula dito sa labas, ngayon ko lang mae-experience ang P.E Class ko na may ganitong karaming estudyante. Sa school ko kami-kami lang din nag P-P.E, kaya medyo excited ako ngayon kasi marami kami. Sana lang walang man-trip sakin.
Pagpasok ay nagsi-tiniginan na ang mga wizards samin. Inaasahan ko nato, mga sikat na wizards lang naman ang mga kasama ko. Dagdag pa sila Mile, dahil naibalita na, na sila ay mga ganap na S Class Wizards. Naging matunog na din ang mga pangalan nila, partida sikat na sila noon kaya sumikat din sila lalo, katulad nila Blaise.
Habang ako ay mainit ang mga mata nila sakin.
“Err!” na bigkas ko nalang.
Unang hakbang palang lahat na ng mga mata samin na nakatingin.
Ayoko ng atensyon na nakukuha ko pero kailangan ko ata masanay. Hindi ko alam kung kailan matitigil ang ganitong trato nila. Nagtuloy kami sa pag lalakad hanggang sa napunta kami sa pila namin
“Enjoying the attention "S class"?” rinig kong sabi ng nasa likod ko at diniin pa ang salitang S Class.
Boses palang kilalang kilala ko na. Etong dalawang to nanaman. Bago ako tuluyang humarap sa kanila, ay nakita ko pang nag-iba ang timpla ng mukha ni Kera. Nasa likod ko na sila habang kaharap ko naman tong dalawang mag-ate nato.
“Enjoying? Panong enjoy eh lahat sila masasama ang tingin sakin,” inis kong sabi tumawa sila. Tawang nakakaasar.
Biglang lumapit si Megumi. Lalapit na din sana sila Kera pero pinagilan ko sila. Hanggat maaari ay ayokong magkagulo sila, lalo na't madami ang nakakakita.
“Hindi lahat Stella, pero wag ka mag-alala balang araw lahat sila kamumuhian ka,” sabi ni Megumi.
Gumala ang mga mata ko sa kabuoan ng gym. Oo hindi lahat, may mga nakikita parin akong rumerespeto sakin hindi man bilang S Class pero at least bilang estudyante man lang ng academy nato.
Nilingon ko silang dalawa.
“Hindi ko alam kung bakit nyo kami pinapakelaman, pero tignan natin kung hanggang saan mararating yang kalokohan nyo,” kalmadong sabi ko. Ngumisi sila at walang sabi-sabing umalis.
“Buti umalis sila agad kundi baka hindi ako makapag-timpi,” sabi ni Bela hawak ni Kera ang balikat nya para pakalmahin sya.
“Relax Bela maaga kang tatanda nyan eh,” tatawa-tawang sabi ni Jack. Umismid lang si Bela sakanya.
“Kung makapag-salita kasi sila parang wala silang ginawa nung nag-leveling,” inis na sabi ni Bela.
We haven't gotten to that discussion yet.
Preeppp
Narinig namin ang pag-pito ng prof namin.
“Wizards lineup!” utos ni sir Matthew.
Makisig si Sir kahit na nasa mid-40s na sya. Isang Athlete Wizard si Sir, flexible ang katawan nya at mabilis tumakbo lahat ng sports kaya nya dahil sa taglay nyang magic.
“Boys you stay on the bleachers for today,” sabi ni Sir. Nagtaka naman ang mga boys.
So hindi sila kasali sa P.E ngayon?
“Because today we're doing Basketball, but girls will be the one who's playing,” nakangising sabi ni Sir.
Nakita kong naghiyawan ang mga girls, yung iba naman mukang bigo, hindi siguro marunong maglaro.
“The players for today are B Class and S Class. Kung sino man ang manalo sainyo ngayon, you will have 20 points in your activity in P.E plus you will receive a gift,” deklara ni Sir.
Napatingin ako agad kela Megumi, malaki ang ngisi nila. Mukang marunong sila at hindi mag papatalo.
Pinaliwanag na samin kung anong dapat gawin.
“Sir pano naman pagtalo?” biglang tanong ni Yuma. Nagkibit-balikat si Sir.
“What's your suggestion Yuma?” tanong naman ni Sir sakanya. Nag-isip si Yuma.
“Hhmm how about be our slave in 2 weeks, sound fair to me,” sabi ni Yuma na may matamis na ngiti. Nagulat kami sa suggestion nya.
“Do you agree?” tanong ni Sir samin.
Tumingin si Kera samin nagta-tanong ang mga mata nya kung payag ba kami. Natagalan kami sa pag-sagot dahil hindi namin to inaasahan.
Damn you Hinji's.
“Mukang hindi nila kaya~” pangaasar ni Yuma. Matalim namin syang tinignan humarap kami kay Sir, sabay kaming tumango lahat.
“We agree, but if they lose. They have to clean all the wolfs cages, also in 2 weeks,” sabi ni Kera. Nagkatinginan din sila Yuma pero maya-maya tumango din sila.
“Fine,” si Megumi ang sumagot.
“Well then, it's settled,” sabi ni sir.
“Goodluck losers,” sabi ni Yuma namay mapaglarong ngisi sabay alis.
“Tsk kailangan natin manalo sa mga yun,” kalmanong sabi ni Kera.
“Pano yan apat lang kami sir,” sabi ni Mile kay Sir.
Oo nga apat lang kaming S Class na babae.
“Kulang man o hindi maglalaro parin,” sabi ni Sir.
Pwede bayon? lugi kami.
“Marunong ka Stella?” tanong ni Bela. Tumango ako, yan ang pinaka paborito kong libangan minsan.
Ngumiti sya.
“Talaga? ako medyo lang eh, pero keri na yan,” natatawang sabi nya.
“Ang lakas nila magbigay ng punishment palibhasa hindi pa sila natatalo,” sabi ni Mile.
Tinignan ko ang team B, si Megumi at Yuma ang representative kasama ang tatlo nilang aliparos.
“Tapos apat pa tayo, malaki ang tyansa nilang manalo" banggit ni Bela.
“Hindi ba pwede mag-recruit sa ibang Class?” tanong ko. Umiling sila napabuntong hininga ako.
“Hindi ba pwede dumagdag isa samin?” narinig naming sabi ni Ice kay Sir. Umiling si Sir sakanya.
“No! maglalaro ako kulang sila,” pagpipilit ni Ice na may bahid na inis.
This is only for girls Ice.
Napailing-iling nalang ako, hindi talaga sya pwede. Sinabi na ni Sir na sa bleachers muna ang lahat ng mga boys.
“Okay na kami Ice, kaya namin to,” sabat ko tumingin sya sakin.
“But their good at this,” seryoso nyang sabi.
“Sinasabi nyo bang hindi kami magaling?” sabat ni Kera. Umiling si Ice, lumapit na sila Blaise dahil mukang mag-aaway pa sila.
“Nah, we know you guys are better, but they cheat a lot, you know that Kera,” sabat ni Blaise.
“Tama si Blaise. Kera madali nilang kayong madadaya lalo na't kulang kayo,” sabi ni Tob. Hinilot ni Kera ang sintido nya.
“Wala kaming magagawa wala ng ibang girls satin,” iritang sabi ni Kera.
Kahit si Kera halatang nababagabag dahil kulang kami.
“Kami nalang maglalaro magiingat nalang kami,” wala sa sariling sabi ko. Alam ko namang kasing tama sila.
“Tsk just remember that there are no rules, plus if you shoot the ball that is the time you will use your magic,” paalala ni Blaise.
Napatampal ako sa noo ko, nakalimutan ko, ga-gamit pala kami ng magic.
“Mahihirapan kayo sakanila, kahit malakas kayo Kera. Yuma is a Graviter Wizard, kaya nyang palutangin ang bola para ipasa sa kakampi nya ng walang kahirap-hirap. Megumi is a Duplicater, mabilis nyang maa-agaw sainyo ang bola,” sabi ni Jack.
“Isama mo pa yung tatlong aliparos nila. Jeng can Teleport, Sammy is a Shape Shifter, Anna can sense if the enemy is near with the help of her sensitivity magic,” dagdag ni Mike.
Napanganga ako, kung titignan wala nga talaga kaming laban pagdating dito. So eto ang bumabagabag sakanila. Talagang dapat pagtuonan ng pansin.
“Thank you for adding the pressure on us guys,” sarkastikong sabi ni Kera.
Kaya nga, nadagdag ang pressure samin. Lalo kaming nawalan ng pag-asang manalo.
“Kailangan natin manalo,” determinadong sabi ni Bela.
“5 minutes,” sabi ni sir nakita kong nasa gitna na sila ng court kasama ang team B.
“Argg! I don't wanna be thier slave.” Frustrated na sabi ni Kera.
“We have no choice,” sabi ni Mile.
“Sir let me play with them,” pagpipilit parin ni Ice.
“This is a girls game Ice, you cannot interfere,” pailing-iling na sabi ni Sir. Napabuntong hininga ako.
“Ice wag na, kaya na namin to,” napatingin sya sakin. Ngumiti ako ng bahagya.
“Tara na mananalo tayo,” pagtawag ko kela Bela. Napaayos si Ice ng tayo.
“Okay fine, goodluck then and be careful,” yun nalang ang nasabi nya at tumalikod na.
Nag goodluck din sila Tob at pumunta na sa bleachers.
Tumalikod na din ako at naglakad papunta sa gitna ng court. Sumunod sakin sila Kera.
“Well kailangan natin manalo kahit anong mangyari, being their slave is like hell,” sabi ni Kera.
“Who knows kung anong kababalaghan ang ipagawa nila satin,” nakangiwing sabi ni Bela. Napangiti ako don't worry guys mananalo tayo.
Thought I'm not one hundred percent sure. Ayy basta! think positive nalang.
Pumunta na kami sa kanya-kanyang pwesto namin. Si Kera at Yuma ang maga-agawan ng bola, bantay ko si Megumi, bantay naman ni Bela si Sammy, si Mile naman si Jeng, walang bantay si Anna.
Napapikit ako. Mahirap to.
Nag-signal na si Sir Matthew na syang naging referee, pigil hininga ako ng ihagis na ang bola. Nakahinga ako ng maluwag nang si Kera ang nakakuha, agad akong bumantay kay Megumi.
Tumakbo si Kera bumantay sakanya si Yuma kaya pinasa nya kay Mile ang bola. Normal lang ang takbo ni Mile dahil hindi pa pwede gamitin ang magic namin. May advantage din kami sa laban nato kaya susubukan namin unahan sila sa pag-activate ng magic.
Drinibble nya ang bola. Wow marunong si Mile maglaro.
“Look out!” sigaw ko nang patakbo si Anna sa direksyon nya. Siniko sya ni Anna at naagaw sakanya ang bola.
Madaya!
Tumakbo ako papunta kay Anna. Drinibble nya ang bola sa harap ko, akmang tatapikin kuna ang bola nang mabilis syang umikot at shinoot ang bola sa ring.
3 points for red team.
“Activate Sensitivity Magic,” sabi nya. Makakagamit na sya ng magic.
“Nice one Anna!” halakhak ni Megumi. Napapikit ako ng mariin.
Hawak na ngayon ni Kera ang bola. Tumakbo si Kera ng mabilis, nilampasan ang lahat ng humarang sakanya. Malapit na sya sa ring. isho-shoot na dapat nya ang bola nang tinulak sya ni Yuma. Hawak na ngayon ni Yuma ang Bola.
So ganto sila maglaro mga madaya, pero kasi... walang rules eh haysss!
Na-shoot ni Yuma ang bola.
“Activate Gravity Magic,” dalawa na silang may magic.
Hawak ni Bela ang bola, pinasa nya sakin drinibble ko ito at tumakbo ng mabilis. Nagulat ako ng lumutang ang bola, gamit ang dalawang kamay hinila ko ang bola pababa. Halos masama ako sa bola dahil naramdaman kong umaangat na din ang paa ko.
Maya-maya hindi na lumulutang yung bola.
“Ano ba bitawan moko!” nakita kong tinakpan ni Kera ang mata ni Yuma.
Sabi na, walang ibang gagawa nun kundi si Yuma.
Tumakbo ako sabay pasa kay Mile na malapit sa ring, biglang dumating si Jeng. Nahirapan si Mile na makalampas kay Jeng. Nag-dribble pa sya at nilusot-lusot ang bola sa pagitan ng hita nya.
Nililito nya si Jeng, nang nakawala agaran syang tumalon at na ishoot ang bola.
“Activate Speed Magic!” sigaw nya sabay takbo ng mabilis.
“Ggrrr!” gigil na sabi ni Yuma.
Pinagpatuloy namin ang laro, na kay Megumi ang bola ngayon. Hinihingal na ako, tagal ko na din palang hindi nagba-basketball. But I must say, I'm really thrilled right now.
“Hindi kayo mananalo,” nangaasar nyang sabi. Umismid lang ako at inagaw ng mabilis ang bola.
Nagulat sya sa mabilis kong galaw, pinasa ko kay Kera at shinoot nya ang bola.
“Activate Air Magic,” sabi ni Kera na may ngisi sa labi.
Nag patuloy ang laro, naka shoot nanaman si Mile.
Pero nahirapan kami kay Yuma pinalutang nya nanaman ng bola at binigay kay Megumi mabilis syang tumakbo at nag dunk sa ring.
“Activate Duplicate Magic,” sabi nya kasabay non ang pag dami nya.
Nakapalibot ang mga clone nya sa buong court.
Putaragis!