Chapter 25 Basketball (part 2)

2415 Words
Ice's POV Nandito parin kami nakaupo sa bleachers. nagmamasid. May mga c***k na sa sahig ng court, it's from Kera's Air Magic, dagdag pa ang mga clones ni Megumi and also Yuma's Gravity Magic. Takte! masyado nilang nilalakasan ang pwersa ng kapangyarihan nila. Napa iling-iling nalang ako habang nakangisi. Girls and their cat fights. Nagpatuloy ang laro 33|26 ang score, lamang ang Red Team. Lahat sila naka activate na ng magic, isa nalang ang hindi pa... Si Stella. “Fuckshit!” narinig kong mura ni Jack. Nakatingin sya kay Bela na ngayon ay naka handusay sa court, dumudugo ang tuhod nya. “Ang daya talaga tinulak sya si Jeng,” inis nyang sabi. “Calm down Man, she can heal her self,” sabi ni Mike sakanya, pero nahihimigan ko parin ang paga-alala nya sa kaibigan namin. Agad na tumayo si Bela pero mabagal na ang pag-galing ng tuhod nya, masyado syang napagod. Katumbas ng pagod ang pag-hina ng magic nila. Takte! grabe talaga mga B class nato dinaig pa ang mga A Class. Kung titignan kasi mas maraming mayayabang at maaarte sa B class maliban kela Mile syempre. Samantalang sa A class mga matitino ang mga yon, ayaw nila ng gulo at tahimik lang sila. Pero pag-dating naman sa labanan, game sila at hindi magpa-patalo. Alam kong maraming kalokohan ang gagawin nila Yuma once na makuha nila ang gusto nila. Kailangan talaga nila manalo. Hawak na ni Stella ang bola, agad na pumalibot ang mga clone ni Megumi para pigilan at ikulong sya. Agad naman yon inalis ni Kera gamit ang Air magic nya. Biglang nag-teleport si Jeng sa harapan nya kaya mabilis ang naging kilos ni Stella at nagawa nyang makawala, bumantay naman sakanya si Sammy na agad na hinarangan ni Mile. Pansin ko lang binabantayan nila ng mabuti ni Stella, halatang ayaw nilang ma-shoot nya ang bola. Tagaktak na ang pawis nila pero nakikita ko talagang determinado silang manalo. Nag-dribble si Stella, marami paring nakaharang sakanyang clone, nasa gitna sya ng court at malayo parin sa ring. Hindi nya ma-shoot ang bola sa dami ng nakaharang sakanya. “You won't win against us,” halakhak ni Yuma. Nasa malayo sya at nakalutang katulad ni Kera. Nakita kong ngumisi si Stella sakanya. Tinigil nya ang pag-dribble at pumwesto ng naka squat, hindi parin natatanggal ang ngisi nya. Don't tell me she's gonna do it there? On a half court? Mabilis ang naging pagtalon nya at... “Wooaaaahhh!” hiyawan ng mga tao nang na shoot nya ang bola. She shoot the ball on a far distance. Napahiyaw din kami sa ginawa nya 33|29 na. Paglanding nya mabilis lumabas ang isang susi sa kamay nya. That's... “Activate Elemental Spirit Magic,” sabi nya. Tinaas nya ang susing hawak nya. “Gate of the Hurricane's I summoned you, Air spirit,” when she shouted those words my mouth opened in amusement. We saw a magical circle that is being opened, it looks like Stella is opening the gate of the sky. All of us are shocked, surprised and amazed from what we are witnessing. “Sky!” she called a name. Tiiinnnggg Lumabas ang babaeng naka puting dress, maikli ang buhok nya na hanggang balikat. May nakasabit naman na dalawang pamaypay sa bewang nya. Lahat kaming nasa gym namangha, ngayon ko lang din sya nakitang nag-summoned ng spirit nya. Many of us is a first timer seeing a Elemental Spirit Wizard summoned a spirit. “Awesome,” ngising sabi ko. Now they're unstoppable. “I can't believe that she can play basketball so well,” Blaise murmured I can see that he's amazed as well. Stella's POV “Master,” ngumiti ako kay sky. Na miss ko tong Air spirit ko. Niyakap ko sya, naramdaman ko namang nagulat sya. “Master hindi mo ako pwedeng yakapin, Master kita spirit mo lang ako,” pailing-iling na sabi nya. “I dont care, you're my friend whether you like it or not,” sabi ko sabay tawa ng marahan. Hindi naman ata masamang makipagkaibigan sa spirit. Isang ngiti ang isinukli nya sakin. Hindi porket ako ang Master nya eh hindi ko na sya pwede maging kaibigan. Spirits have feelings too and everyone deserves to have friends. Preeeppp Napalingoy kami dahil sa pito ni Sir Matthew. “15 minutes break after that change court,” announced ni Sir. Pumunta kami sa side kung saan ang pwesto namin. Pansin ko lang madaming nakatingin sakin, halo-halo ang ekspresyon nila pagkamangha, saya, gulat at bilib. Nagkibit balikat nalang ako. Kung nahalata man nila ang magic ko ay hindi na problema yun. Malapit na din ako magpakilala sakanila. “Stella! o my gosh ang galing mo kanina,” yakap sakin ni Mile. Ngumiti lang ako. “Wala yun, sya nga pala. This is Sky, my Air Spirit,” pinakilala ko sakanila si Sky. “Air? waaahh! we have the same magic,” tuwang sabi ni Kera. Nagliwanag ang mukha nya na parang hindi napagod kanina sa laro. Palagay ko magkakasundo tong dalawang to. “Sky, do you know how to play Basketball?” tanong ko ngumiti sya sakin. “Our bond gives us a strong connection Master. Kung ano ang kaya mo, kaya ko din,” sabi nya. Napangiti ako sabay tumingin sa tatlong kakampi ko. “See girls? we'll win this game, but let's not be so confident,” I said and wink at them. Tumango sila. I can now say, that we are ready. Nakita naming bumaba ang mga boys sa bleachers, may dala silang panyo at tubig binigay ni Tob kay Kera ang hawak nya si Bela naman binigyan ni Jack. “Here/Eto” nagulat ako nang sabay nilahad ni Blaise at Ice ang dala nilang panyo at tubig sakin. Kumurap ako. “Ahmm?” hindi ko alam kung kanino ang una kong kukunin. Napalingon ako sa paligid at nakita ko si Mile na wala pang hawak dahil kinukulit nya pa si Sky. Humarap ako sa dalawa, sabay kinuha ang dala nila at tinawag si Mile. “Mile oh,” sabi ko sabay hagis ng hawak ko. Nasalo naman nya. Lakas kasi ng tama ng dalawang to, dalawa pa ang ibibigay sakin. Pagharap ko sakanila nakita kong napakamot si Ice ng batok habang nag-iwas naman ng tingin si Blaise. Problema nila? Nag-punas nalang ako ng pawis at ininom yung tubig na hawak ko. “Grabe kayo ang lupit nyo kanina,” tuwang sabi ni Tob. “You guys did well,” sabi naman ni Mike. “Yeah at biruin mo yun marunong ka pala Bela,” ngising sabi ni Jack. “Che! malamang marunong, hindi nga lang magaling, at saka na kayo mag-ganyan pag nanalo na kami,” sabi naman ni Bela. “Well for sure mananalo kayo nyan,” sabi ni Ice habang nakatingin sakin, nag-iwas naman ako ng tingin. “Wag tayong pakampante,” sabi ko. Ngayong na activate na namin lahat ng magic namin, mas lalo nila kaming babantayan. “Remaining 7 minutes,” narinig namin sabi ni Sir Matthew. “Umakyat na kayo at malapit na magsimula,” pagta-taboy ni Bela sa mga boys. Bigla syang hinakbayan ni Jack. “How about a good luck kiss before you go,” tinaas baba ni Jack ang kilay nya habang nakatingin kay Bela sabay pahaba ng nguso nya. Nakita kong gulat ang reaksyon ni Bela, akmang hahalikan nya si Bela sa pisngi nang... “f**k! a-aray ko!” daing ni Jack ng siniko sya ni Bela sa tyan. “Playboy,” naka simangot na bulong ni Bela. Napatawa kaming lahat nang hindi maipinta ang mukha ni Jack. Napalakas ata ang pag-siko ni Bela. Mukang nahahawa na sya sa pag ka sadista si Kera, kawawang Jackson. Tama nga siguro ang hinala ko na may gusto si Jack kay Bela? Pero who knows, baka biro lang yun? Iwinaksi ko nalang ang mga katanungan sa isip ko. But Jack has so many girls in line, nase-sermonan ko pa sya dati. Napailing-iling ako nag-ayos ng sarili. Ang gulo na ng buhok ko, sandali ko itong inayos at pati ang gusot kong damit. “Kala ko ba pagod ka?” nakangiwi paring tanong nya habang iniinda ang sakit ng pag-siko ni Bela. “I'm not that weak Jack,” irap nyang sabi. “Oy oy tama na nga yang LQnnyo at mag-ready na tayo,” sabat ni Kera. Sya na ang nagtaboy sa mga boys at pinabalik sa Bleachers. “Times up,” narinig naming sabi ni Sir. Nag ba-bye na kami sa mga boys at pumunta na sa court. Nakapwesto na kami. Kita kong seryoso at walang bahid na pang-asar ang mga mukha nila Yuma, matunog ang naging pag-ngisi ko kaya napatingin si Megumi sakin. Inirapan nya ako at tumingin na kay sir para maghintay ng signal. Katabi ko nga pala si Sky, hindi sya pwede magbantay kasi parte sya ng Magic ko, pero mamaya pag nag start pwede ko na syang utusan na bantayan si Anna. Nag-signal na si Sir kaya lahat kami nakatingin kela Kera. Dahil kayang palutangin ni Yuma ang bola, sya ang unang nakakuha nito. Inactivate na namin lahat ang magic namin. Akmang papadamihin na naman ni Megumi ang sarili nya nang nilabas ko ang latigo na gawa sa light magic ko. Pinalibot ko yun sakanya para hindi na sya makagalaw. Thanks sa book of light na binigay sakin ni Blaise may onting alam na ako kung pano gamitin ang light magic ko. “Arrgg bwiset!” inis nyang sabi habang nagpu-pumiglas. Iniwan ko na sya at tumakbo sa kabilang ring kung nasaan sila Kera. “Sky bantayan mo si Anna,” utos ko habang tumatakbo. Tumango sya at pumunta na sa direksyon ni Anna. “Stella!” narinig kong tawag ni Mile. Nakita kong nakabantay sakanya si Jeng. Paulit ulit itong nagte-teleport sa pwesto nya. Pinasa sakin ni Mile ang bola, tatakbo na dapat ako sa ring pero nagulat ako nang biglang pinalibutan ako ng clone ni Megumi. “Ang cheap ng latigo mo,” maarte nyang sabi. Nakawala na sya. Nagkibit balikat lang ako, hindi naman matibay ang pag-gawa ko ng latigo, sapat lang yun para mabigyan ako ng oras makawala sakanya. “Hoy Stella pasa mo dito!” may tumawag sakin pagtingin ko si... teka, Kera? “Pasa mo na!” tinaas-taas pa nya ang kamay nya na handang saluhin ang bola. Bakit parang may mali? Isinawalang bahala ko nalang yun at handa ko nangipasa sakanya nya pero... “Stella wag!” napatigil ako sa tumawag na naman. “Kera?” nagtataka akong tumingin sa isa pang Kera. What?! “Stella bilis pasa mo na sakin!” nagmamadaling sabi ni Kera o kung si Kera nga bato? “Stella wag! hindi ako yan,” sabi naman ng isa pang Kera. Dalawa ang Kera na nakikita ko, pero sino sa kanila ang tunay na Kera? Drinidribble ko parin ang bola habang may nakapalibot na clone ni megumi. Iniisip ko kung sino sa dalawa ang totoong Kera. “Pasa mo na sakin Stella, we might lose if you don't move fast.” Sabat ni Kera. “No si Sammy yan! sakin mo ipasa Stella,” sabi ng isang Kera. “Hindi, sya si Sammy,” turo ni Kera sa isa pang Kera. Anak ka ng teteng! sino ba talaga? Dahil na sa-sayang ang oras gumawa ako ng light ball at parehas silang binato. Pero nagulat ako nang parehas din nilang sinangga yun gamit ang Air Magic. “Stella Sammy is a shape shifter wizard kaya nyang mag-palit ng anyo ng kahit ano o sino, kaya nya ring komopya ng magic,” narinig kong sigaw ni Bela. Napapalibutan din sya ng clone ni Megumi. I smiled at the back of my mind, she can copy the appearance but never the attitude. “Hey Kera, alam mo ba na mas maganda sayo si Yuma,” sigaw ko sabay turo sa nakalutang na si Yuma. Sabay silang tumingin kay Yuma, kumunot ang noo ng unang Kera. Habang umirap naman ang isang Kera nakita ko din pag-ngiwi nya, nag-iba ang reaksyon nya na parang hindi naging kumbensido sa sinabi ko. Gotcha! “Catch!” sigaw ko sa isang Kera na syang tunay. Nasalo nya ang bola, kita kong nagulat sya sa bilis ng pagkasabi ko, pero hindi nagtagal ngumiti sya sakin at tumakbo na habang nag dridribble papunta sa ring. Nagbato naman ako ng light ball sa pekeng Kera na nakakunot ang noo kanina. Sa lakas ng bato ko tumilapon sya at kita kong nag-iba ang anyo nya, si Sammy nga. Tumulong ako sa pag-clear ng daan para maka shoot si Kera. Habang ginagawa yun pumwesto na si Kera at walang ka hirap-hirap na shinoot ang bola, tinignan ko ang score board. Red Team [33] Blue Team [32] “Nayswan!” hiyaw ni Mile at nakipag high five pa kay Bela sabay thumbs up sakin. Nag wink ako at agarang tumakbo. Sila parin ang nangunguna kaya hindi ako pwedeng pakampante. Ngayon hawak ni Megumi ang bola bumantay ako. I stretched my arms wide open so she can't escape me, tulad ng ginagawa nya pinadami nanaman nya ang sarili nya, pero ang nakapag palito sakin. Lahat sila may hawak na bola. “Putaragis!” na sambit ko bigla dahil sa inis. Nginisian ako ni Megumi at pag sinabi kong Megumi kasama na dun ang mga clone nya. Eto na nga ba sinasabi ko, una palang dehado na kami dito. But I can handle this. Tumayo ako ng tuwid, S Class ang kinalaban nila. I stretched my arms again, hindi para magbantay kundi para tumodo ang chant ko “Stary sky! shine from the west!” bigkas ko. Kasabay ng pag liwanag ng buong court. “So bright!” sigaw ni Megumi. Dahil sya ang pinaka malapit sakin, sya ang pinakanatamaan ng liwanag. Maya-maya bumalik na sa dati ang court at nawala na ang mga clone nya. “My eyes!” sigaw ni Megumi. Nakatakip ang palad nya sa dalawang mata nya, kinuha ko ang pagkakataon na yun para agawin ang bola. Hindi lang si Megumi ang natamaan ng liwanag pati na din sila Yuma at sila Kera lahat sila nakatakip ang palad sa mata nila. Oppss my bad. Malaya akong nakatakbo sa court ng walang nagbabantay. I positioned myself to the ring and shoot the ball, I look at the score board. Red Team [33] Blue Team [35] “Another 3 points!” hiyaw ni Mile at binelatan ang team ni Yuma. Napa iling iling-iling nalang ako sa ginawa nya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD