Chapter 26 Basketball (part 3)

2086 Words
Kera's POV “Kera dito!” sigaw ni Bela. Pinasa ko sakanya ang bola pero mabilis nag-teleport si Jeng kaya sya ang nakakuha. Pinasa nya yun kay Yuma at nagawa nyang maka shoot. I look at the score board. Red Team [44] Blue Team [41] Kung kanina doble ang bantay nila ngayon triple na. Lalong dumami ang clone ni Megumi at mas pinalakas nila ang magic nila. Pero tulad nga ng sabi ni Stella mananalo kami at syempre isa din akong S Class. I still have some tricks in my sleeves, bumaba ako sa pagkalutang sa ere. Let's give this game a twist. Pinag-dikit ko ang dalawang palad ko kasabay non ang pagpikit ko ng dalawang mata ko. “Cover the air with Fog.” Bigkas ko. Sa pagdilat ko ng mata ko unti-unting binabalot ng hamog ang court. Patuloy na lumalabas sa dalawang mag kadikit kung palad ang hamog. Nang na sigurado kong sapat nato pinaghiwalay kona ang mga palad ko. I smirked. How can you play if you can't see? I never thought this game can be more interesting. Mile's POV Napatigil kaming lahat dahil sa hamog na bumalot sa paligid namin. Padami ito ng padami hanggat sa wala na kaming makita. Gosh Kera. Nakalimutan ata nyang pati kami hindi makakakita sa ginawa nya. Oh well, we have to move using our other senses now. Pinakiramdaman ko ang paligid, nang may narinig akong tunog na may nagdri-dribble mabilis akong tumakbo sa kinaroroonan nyon. Inagaw ko ang bola na nakay Jeng, nagulat sya pero huli na para mag-teleport sya dahil mabilis akong tumakbo sa ring. Shoot Bela's POV Patuloy akong tumatakbo. Napa-irap nalang ako dahil wala akong makita, ginamit ko ang healing magic ko para magamot ang mga gasgas ko ganon din ang ginawa ko kela Stella. Khit malayo at hindi ko sila makita, nagagawa ko silang magamot basta nararamdaman kong malapit lang ang presensya nila, although hindi ko masyado magagamit ng maayos ang magic ko pag ganon, pero sapat na para mawala ang onting pinsala sa katawan nila. Napatigil ako dahil narinig ko ang pag-shoot ng bola. Napa-ngisi ako, nice sigurado akong isa kela Kera ang nag-shoot. Tumakbo nako ulit. May nakita akong pigura na pa-palapit, tumakbo din ako sa direksyon nyon. Hindi ko masyadong makita kung sino yun kaya nag-patuloy lang ako sa pagtakbo. Hanggang sa nagkabangaan kami dahil hindi kami tumigil agad. Napa-sapo ako sa ulo ko, nagkauntugan kami. Ang sakit ah, napatingin ako sa harap, tumatalbog ang bola sa harap naming dalawa. Tinignan ko kung sino yun si Anna lang pala. Hinihilot ko parin ang ulo ko. Pero agad akong napatayo dahil ngayon ko lang napagtanto kung sino ang kaharap ko. Halos talunin ko ang bola para makuha koto ganon din sya kaya parehas namin hawak ngayon ang bola. Nakipag agawan ako kay Anna. Mahigpit kong hawak ang bola pero napaluhod nalang ako nang bigla nyang sipain ng malakas ang bandang kagiliran ko. She knows my weak spot. Alam nya kung saan ako aatakihin para mapatumba agad. “Arrggg s**t!” daing ko. Mapahiga na naman ako sa sahig. Dumaan sya sa gilid ko at tumakbo na papunta sa ring. Narinig ko ang pag-shoot nya ng bola. Peste ka Anna! Ginamit ko ulit ang healing magic ko. Tsk! matagal-tagal pa gagaling to I'm freaking tired. Grabe din tong magpalaro si Sir Matthew, pang tournament. Do or die? Napa-iling ako sa mga iniisip ko. Stella's POV “Master!” tawag sakin ni Sky. Tumatakbo sya sa pwesto ko. “This fog is made by the Air Wizard,” sabi nya nang makarating sa harap ko. Hmm Air Wizard? Napa-iling ako habang nakangiti. Si Kera. “Right, Sky hanapin natin kung nakanino ang bola,” sabi ko. “Yes Master, I know where it is.” Sagot nya at hinawakan ako sa pulso ko sabay hila sakin. “The wizard with gravity magic has the ball Master,” sabi nya. Sa hindi kalayuan nakita kong tumatakbo si Yuma palapit sa ring. Nasa kanya nga ang bola. Mabilis kaming tumakbo sa direksyon nya. Naramdaman nya atang paparating kami kaya agad nyang tinaas ang palad nya dahilan para masubsob kami sa sahig, katulad ng ginawa nya kay Kera may force na humihila samin pababa. Sinubukan kong tumayo pero parang may nakadagan saking mabigat kaya napapasubsob lang ulit ako sa sahig. Hindi rin makatayo si Sky, pilit nyang ginagamit ang magic nya pero hindi nya mahawakan ang pamaypay nya ng maayos. Tumingin ako sa gawi ni Yuma. Pigura nalang nya ang nakikita ko dahil papalayo na sya samin. Sobrang nanghihina nako. Hindi ko alam na buwis buhay pala ang basketball sa mundo nato. Pinanood ko ang pagtakbo nya nang bigla nalang may sumulpot sa harapan nya at inagaw nito sakanya ang bola. Sa pag-agaw ng bola ay nakaramdam ako nghangin sanpaligid. kasabay nun ang unti unting pag-wala ng hamog. “What the?” gulat na sabi ni Kera habang nagdridribble. Sya pala ang umagaw ng bola kay Yuma. Tumingin ako sa likod bahagyang lumaki ang mata ko sa higanting agila na malakas ang pagpagaspas ng pakpak nya. Dahil sa ginawa nito, na wala ang hamog na ginawa ni Kera. Nakakakita na ulit kami. Tinitigan ko ang agila. “Sammy,” bigkas ko nang napagtanto ko kung sino ang higanting agila nayun. “Kera shoot the ball,” narinig kong sigaw ni Mile. Mabilis nyang iniikutan si Yuma na parang kinukulong nya ito. Natauhan naman si Kera at mabilis shinoot ang bola. “Aarrgg!” daing ko. Narinig ko din ang daing ni Sky sa tabi ko. Patuloy parin ang malakas na enerhiya na humihila samin pababa. Halos manlabo ang mata ko sa panghihina. “Stella!” naga-alalang tawag ni Mile at tumigil sa pagtakbo. “Aaahhh” napalingon ako kay Sky dahil sa lakas ng sigaw nya. Tuluyan na syang napasubsob sa sahig. “Sky!” tawag ko gusto kong tumayo pero hindi ko magawa. Nakita kong nahihirapan sya. “Yuma tama na!” sigaw ni Kera. Ngumisi lang si Yuma. “Aaaahhh!” sigaw na naman ni Sky. “Yuma!” halos mapaos si Kera sa sigaw nya. Ganon din sila Mile. Nag-patuloy lang si Yuma sa ginagawa nya na parang walang mga taong nanonood sakanya. Nakita ko pa sila Ice na naga-alalang tumingin sakin, maliban kay Blaise na seryoso lang ang mukha pero may onting paga-alala din. Halatang gusto nilang sugudin si Yuma pero hindi nila magagawa yun dahil may barrier na naka palibot sa court. Narinig ko nanaman lalong lumakas ang sigaw ni Sky napapapikit nalang ako dahil parang ako ang nasasaktan. She's my spirit. Walang tigil ang pag sigaw ni Sky. “M-master I-i'm sorry,” mahinang paghingi ng tawad ni Sky, kasabay nun ang pagbalot ng liwanag sa katawan nya at nawala na sya ng parang bula. Bahagya akong natigilan. “Natalo ang spirit mo Stella,” ngising sabi ni Yuma. Wala na ang force na humihila sakin at nakakatayo na ako ng maayos, pero ramdam ko ang sakit ng buong katawan ko Huminga ako ng malalim. Sky will be alright, she just need some rest and I know spirit's dont die. Pero oo, hindi nga sila namamatay pero nakakaramdam sila ng sakit. Nakayuko akong tumayo, unti-unti kong inangat ang ulo ko dahil sa panghihina. Hindi maaalis ang pagtatangis ng bagang ko habang nakatingin kay Yuma. Shoot Nakarinig kami ng shoot ng bola, nang tinignan ko ang ring namin ay halos mapamura sila Kera dahil nalamangan na naman kami nila Yuma. Agad kaming nag sitakbuhan. Kahit masakit pa ang katawan ko nakitakbo na din ako, si-siguraduhin ko talagang hindi sila mananalo. Habang tumatakbo naramdaman ko naman ang pag-gaan ng pakiramdam ko, alam ko gawa ito ni Bela. She's healing me. Nag pasalamat ako sakanya at sinabing wag masyadong gamitin ang magic nya sakin dahil okay na ako, pero binigyan nya lang ako ng ngiti bago tumakbo palayo. Napa buntong hininga nalang ako. Tinignan ko ang oras. Time:00:05:48 Halos matumba ako. s**t limang minuto nalang ang natitira. Nakita kong ipapasa sakin ang bola, sasaluhin ko na dapat nang nakuha ng clone ni Megumi ang bola. Binigay ito sa totoong Megumi, mabilis tumakbo si Mile at inagaw ang bola, pinasa nya kay Bela, hinarangan naman sya ni Jeng. Bela did a crossover and after a minute of running she passed it to Kera. After that Kera did a fadeaway shoot. Halos makisuntok na din ako sa ere katulad ni Mile dahil parehas na ang score namin. Tinignan ko ulit yung oras. Time:00:01:16 “Ang oras,” sabi ko kela Bela. Nakita kong nagulat sila. Nag sitakbuhan na kami. Nakay Yuma ang bola ngayon, humarang ang lahat ng kasama nya kaya ang nangyare wala nakabantay kay Yuma, dahil napapalibutan kaming lahat. Para akong matutumba sa kinatatayuan ko nang makitang malapit na sya sa ring. Kera's POV No, no, no, no! Paulit ulit kong sinasabi sa isip ko. Malapit na si Yuma. Malapit na sya. Damn! being a slave of this crazy wizards is the last thing I will do in my whole life. Nakapulupot sakin si Sammy, nag-anyo syang ahas. Tsk bagay sayo yang ganyang anyo Sammy, dapat ganyan ka nalang. Pero mas bagay kay Yuma maging ahas, nasabi ko nalang sa isip ko. Napairap ako ng nag 'hiss' sya sakin, mukang nang-aasar. Wait if I get you off of me, si-siguraduhin kong may lilipad na ahas sa court nato. Napa tingin ako sa timer. Time:00:00:20 Time:00:00:19 Time:00:00:18 Fuck! nag-pumiglas ako, humigpit naman lalo ang pagpulupot ni Sammy sakin. Nang tumingin ako kay Yuma. She's ready to shoot the ball. Halos hindi na kami huminga nang inangat nya na ang bola. Time:00:00:13 “No,” naibulong ko nalang. At... “Water Jigsaw!” BOOSSHH Napatulala kaming lahat dahil biglang tinangay si Yuma ng tubig. Naiwan ang bolang tumatalbog sa sahig. Napanganga ako dahil tumalsik si Yuma sa may bleachers, kung saan nakaupo ang ibang estudyante. Gusto kong matawa, pero pinigilan ko dahil nawalan sya ng malay. “Aqua!” tawag ni Stella. Napatingin naman kami sa babaeng naka blue mermaid bra at blue din na palda. Mahaba ang nakatirintas nyang buhok na hanggang bewang, may bitbit itong gintong vase. At kung titignan ang tattoo nya... I can say she's a water spirit. Nanlalaki ang mga matang napatingin ako kay Stella, may hawak na naman syang susi pero iba. Simbolo ng tubig naman ang nasa susi. Ang akala ko si Tob ang may gawa non, hindi pala. At bakit ko iniisip yung mahangin nayon? tsk! Nakita kong tumango ang spirit nya na parang naiintindihan nito ang dapat gawin. Bigla nalang nyang tinaas ang vase na hawak nya at dun lumabas ang tatlong snake dragon. Namangha ako at sigurado akong hindi lang ako ang natulala sa higanting snake dragons nato. Gawa ito sa tubig, napaka linis ng tubig at halos maging kristal na sya sa paningin ko. Nilusob nito ang ka-team ni Yuma, nagulat pa ako dahil papalapit ang isa sakin napapikit ako at naramdaman ang tubig na tumagos sakin. Pagdilat ko nagagalaw ko na ng maayos ang katawan ko. Tinignan ko ang likod ko at nakita si Sammy na nasa loob ng snake dragon. Halos hindi ako makapagsalita sa nakita ko silang lahat ay nasa loob ng tatlong snake dragon. Lahat sila walang malay. Time:00:00:05 Tit Time:00:00:04 Tit Time:00:00:03 Tit Narinig namin ang tunog ng timer. Biglang tumakbo si Stella dahil sya ang malapit sa bola, nakuha nya ito. Sa gitna ng court nakarating ang bola wala na syang oras tumakbo papalapit sa ring. Time:00:00:02 Tit Walang sabi-sabing hinagis nya ang bola. Time:00:00:01 Tit Time:00:00:00 Tit Shoot Toootttt Walang umimik samin. Teka umabot ba kami? Tahimik lang ang lahat ng nasa gym. Parang gusto ko maluha sa katahimikan. Did we lose? Nakatinginan kami, halos lahat kami kinakabahan. Ilang segundo pa dahan dahan-dahan namin tiningala ang score board. Red Team [49] Blue Team [50] “P-panalo tayo?” hindi makapaniwalang sabi ni Mile. Ilang sigundo pa ay unti-unti na naming narinig ang hiyawan ng mga tao. Napaupo ako sa sahig. “We won,” wala sa sariling sabi ko. Pero unti-unti akong napangiti. “Oh my! we won!” pagu-ulit ko kasabay ng paghiyaw. Tumayo ako at sabay kaming nagsilapitan kay Stella at niyakap sya. “We won! We won!” masaya namin tili at nag ta-tatalon pa kami. We sheered for winning the game. Pero napatigil kami. Bigla akong nakaramdam ng hilo. Napasapo ako sa noo ko at napahiga, ganon din ang nangyare kela Stella. Before I could do anything, I already lost my consciousness.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD